Boring Monday

Hay, katamad nang araw na ito. Akala ko naman makakapag-pahinga ako ngayong araw na ito. Tuwing Lunes hindi naman ako nakakatulog talaga kahit pilitin ko.

So ayun, chat lang sa Uzzap with my friends at 193. Walang bago sa room puro flirt na lang. Hehe! Wala naman akong kinakarir sa mga iyan. Natutuwa lang ako na unti-unting napupuno ng mga member pics ang Friendster account namin. Sana nga lang magkaroon na ng GEB para makilala ko na sila.

Inagahan ko ang pasok dahil supposedly magkikita kami ni Kheed dahil nga ipapahiram niya sa akin ang HP5 dahil gusto kong panoorin muna iyon bago ang HP6. Grabe sobrang antok ako sa biyahe samahan mo pa ng manaka-nakang pag-ambon. Kung pwede nga lang humiga sa jeep ginawa ko na. Usap lang kaunti pagkakita ng Kheed, sa mga updates at kwento ko sa kanya yung last heartbreak (kuno) ko!

For the 7th time, lilipat na naman kami ng pwesto at sana for good na ito. Nakakapagod na ang palipat-lipat lalo na ng floor at lugar. Miss ko na ang Bulletin Board area. Gusto ko kasi mag-post ng function stats namin pero dahil squatter kami walang mapaglagyan. Sige hanggang dun na lang at medyo inaantok na ako.

14 Reaction(s) :: Boring Monday

  1. itulog mo na yan jin.. hehe

    hindi man lang nanlibre ang mokong, kahit gulaman man lang sa mrt hehe

  2. bakit sinabi mo ba?

  3. kelangan pala magsabi ako hehe, next time magsasabi ako ng mahal at wag kang tatanggi.

  4. ay tatangi na ako this time. haha. mas mayaman ka sa akin.

  5. mayaman ako sa utang hehe. madami pa akong listahan ng utang ngayon kaya kelangan ko na din matutong magtipid.

  6. si kheed may utang? ikaw pa.

  7. oo, may utang pa akong 7k sa hsbc.

  8. naku kheed pahahabain na naman natin ang kwento. hehe!

  9. o sya itigil na tong isang to, dun na lang sa isa hehe..

    period.. padlock!

  10. nde titigil hanggat nagko-comment ka!

  11. kaya nga tigil na eh.. hehe

  12. hindi mo ba napapansin? ako ang dapat na last comment sa aking blog!

  13. o sya. sinabi mo eh

  14. hang kulit!