Gray Clouds

Ang sarap ng hangin na dumampi sa aking pisngi nung magising ako kinahapunan. Sumilip ako sa labas ng aming bahay at nakita ang mga mala-abong ulap na nagsisiksikan sa kalangitan. Nagbabadya na naman ang pagbuhos ng ulan.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko ng ganitong panahon despite na maaasar lang ako sa pagbuhos ng ulan. Natutuwa kasi ako pag tinitingnan ang mga ulap na ito. Parang hinahalintulad ko sa sarili ko. Madilim at walang kasiguruhan ang buhay. Wala naman talagang permanente sa mundong ito. Kailangan lang natin mag-adapt sa mga pagbabago na nangyayari sa ating buhay.

Pasensya na at emo lang ako ngayong panahon na nag-uuulan. Eto nakaupo sa isang madilim na sulok. Nilalamig. Naghahanap ng makakayakap. Makakapag-bigay ng init sa panahong hindi alam kung saan patungo ang buhay.

0 Reaction(s) :: Gray Clouds