Kulang sa Alaga

Aalis ka sa bahay. May ubo't sipon. Buti na lang wala kang lagnat. Uminom ka na ng gamot plus Multivitamins plus 1000mg ng Vitamin C.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na biyahe at limang sakayan (4 na jeepney at isang MRT), aabutan ka pa ng manaka-nakang pag-ambon. Resulta - Haggard pagdating sa office. Mukhang matatagalan pa bago ako gumaling. Laging napapawisan at basa ang likod ko. Samahan pa ng polusyon ng kalakhang Maynila.

Kaya wag magrereklamo ang iba na napapagod sa biyahe. Ano pa kaya ako kumpara sa inyo. Hindi ako nagrereklamo dahil wala naman akong magagawa.

Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang maramdaman na may nag-aalaga sa akin. Oo andyan ang pamilya pero natural lang iyon sa kanila na alagaan ang miyembro ng pamilya. Pero iba pa rin ang pag-aalaga ng mahal mo. Yung mararamdaman mo ang pagkalinga niya, ang kanyang haplos, ang kanyang yakap, ang kanyang matiyagang pagbabantay hanggang sa ika'y gumaling. "Pa confine ka na lang kaya para may nurse na mag-aalaga sa iyo!", biro sa akin ng mga kaibigan ko.

Pasensya na po, senti lang. Hindi ko pa kasi nararanasan na alagaan ng mahal ko.

7 Reaction(s) :: Kulang sa Alaga

  1. hindi ikaw yung tinutukoy kong sing laki ni damulag haha..

    kagabi kasi may nakasabay ako sa van na ginawang higaan ang braso ko, kaya ayun ang naipost ko, totoo yun at walang patama.

    emo ka na naman, masama na naman ang pakiramdam mo? ako ba yung sinasabihan mo na nagrereklamo sa pagbyahe? normal na sa aking ang maging reklamador hehe.. hindi naman ako nagrereklamo sa byahe kasi madali lang sa akin yun, ang kinaiinisan ko ay yung trafik. o sya napahaba na comment ko na parang hindi naman comment hehe. yngat lagi, gb!

  2. oi wala akong sinasabi na ikaw iyon. asan na yung request kong cd. hmp. geh gud night!

  3. eh pano ko maibibigay sayo? magkaiba nga tayo ng shift.. parang ang labo naman kung papasok ako ng maaga para ibigay sayo, baka makatulog naman ako habang nagtatrabaho..

  4. pero andyan naba sa iyo? ako na gagawa ng paraan.

  5. hindi ko dala, sa monday na lang. agahan mo pasok mo.. itext mo ako.

  6. anung cd yan? porno ba yan? eram... ahehe hirap talga pag walang nag-aalaga, na nurse ouch may naalala ako, :(

  7. horny pottter po.