Eksayted

Buhay na buhay na naman ang text-life ko mula pa nang nagkaka-text kami ni Ar. Pakiramdam ko kulang lagi ang load ko pag kausap ko siya. Parang hindi umaandar ang oras na kahit sakit na ng daliri ko kaka-pindot sige tuloy pa rin. Pero iba pa rin ang personal na nag-uusap kesa sa SMS lang. Pero for now, iyon lang naman ang pinaka-mabilis at direct communication ko sa kanya.

Excited na ako sa aming first formal date. Hindi ko alam ang dapat kong unahin na gawin pag nagkita na kami. Well hindi naman ito ang first time na magkikita kami, bale second na ito at informal ang una. Saan kaya kami kakain. Ano kaya ang paguusapan namin. Ano ang mga gagawin namin. Maraming pumapasok sa isip ko. Pero kalma lang dapat and one at a time dapat.
Kahit papano thru text messages marami na akong alam sa kanya. Kaya doon ako dapat mag concentrate. Good luck na lang sa akin this weekend!

4 Reaction(s) :: Eksayted

  1. uy kinikilig si Jin.

  2. san mo dadalin? nako alam na!!! ikaw pa idol kita e. haha

  3. @xtian
    ahaha. nde naman po. kasi masaya lang talaga ako!

    @raniel
    lol ka raniel, hindi ako kagaya mo! manyak ka talaga!

  4. kinikilig ka nga.