Satiated

Hindi masyado nakakapag-surf sa Internet. Lalo na sa Mafiawars sa Facebook. Siguro narating ko na naman ang satiation point ko at nauumay na naman ako. Kung dati-rati almost everyday tuwing pag-uwi net muna ngayon kaya ko siguro hindi mag-net buong linggo. Ewan ko ba. Hehe!

Pero gusto ko na talaga makapag online games ulit pero iniisip ko rin ang sinabi sa akin ng friend ko nagtratrabaho din na hindi rin viable na gumawa pa ng account diyan kasi. Since every weekends mo lang malalaro iyon. Mapagiiwanan ka na ng mga friends mo na adik at tatamarin ka rin eventually.

Kailangan ko ring sacrifice ang mga ito para na rin sa sarili ko at sa relationship ko. Dahil kumakain rin siya ng resources at oras ko. Mas gusto ko tutukan muna ang karera ko, lovelife at mga real-life friends. Pero siyempre active pa rin ako sa blogging.

2 Reaction(s) :: Satiated

  1. ganun talaga, parang ulam lang yan eh, darating at darating ung time na ayaw mo na dahil sawa ka na, pero after a weeks time, magkecrave ka ulit dun..Ü

  2. bigla ko tuloy naalala ang kwento ng isang fried chicken.