Piscean

2 Reaction(s)
nagkaroon na naman ako ng interes dito sa horoscope, akala mo me ibang mga bagay na tugma talaga kaya naman naging inetersante sa akin ang site na ito..

Pisces is the twelfth sign of the astrological year and is known by its astrological symbol, the Fish. Pisces natives are in touch with their emotions, though not to the point of mawkishness. With Neptune as the ruling planet, they are apt to be idealists. Pisces natives are physically and emotionally strong but may put their hardiness to the test if they try to resolve others' emotional conflicts.


The Pisces Man
The man born under the Pisces sign has great warmth and charm. He is not afraid to show vulnerabilities -- in fact, he displays them with pride. He connects with others on an emotionally satisfying level. As a parent or guardian, he may try to relive or remake his early relationships to spiritualize them. If his work or profession does not provide the self-expression he needs, he will look for it in hobbies. Relationships make up the primary focus of this man's life.

The Pisces Lover
Pisces men and women have an idealistic view of love and romance. Because of their sensitivity, they often prefer a fairy tale scenario to the real thing. Pisces know their vulnerabilities and are sometimes afraid the magic "bubble" will burst. The Piscean individual who is deeply in love may sacrifice themselves for their lover.

The Pisces Friend
Friendship comes naturally to Pisceans. Their commitment to easing the pain of others often draws them to less fortunate individuals. But pity is not involved. Although they may seem weak or unfocused, they are sympathetic listeners. They have strong links to the past and are likely to keep the same friends for years. Also, because of their intense family ties, Pisces natives may count a sibling or other relative among their closest friends.

A Pisces born on February 27 has great empathy for others. They are protective of those they love. Somewhat lacking in analytical skills, they show their intelligence in other ways. They have skill at managing the lives of others and often take charge of situations outside their circle.

Friends and Lovers
February 27 individuals inspire loyalty from friends. Because of their sensitive approach to helping others, they have a "life mentor" reputation. They want more than a lover or a partner -- they want to find a soul mate. They often experience disappointment in love.

Children and Family
February 27 people don't come into their own until they leave childhood behind; childhood is often a time of emotional suspended animation. They understand the imaginative world of their children. Although strict, they are nurturing and loving.

Health
Many February 27 people are not physically robust. Their fast-paced lifestyle sometimes gets them into trouble. Few people are as accident prone. They need to adopt as healthy a lifestyle as possible to keep their physical and spiritual energies intact.

Career and Finances
February 27 people have the ability to shine at almost anything and often turn to helping others. They are fearless when stating their opinions, and they can effect change and understanding. They have respect for money but put people before possessions.

Dreams and Goals
It is the goal of those born on February 27 to help people who are unable to help themselves. On a personal level, they are on a path to find their true nature. They are not afraid to examine even the most difficult periods of their life to find the answers they need.

Current Storm Positions

1 Reaction(s)

Photo shows predictive storm paths of TS Ketsana (16), TD Parma (17) and another unnamed LPA (18).
Courtesy: Japan Meteorological Agency

Tenk Yu Poh

2 Reaction(s)
Salamat nga po pala sa mga nag-text at email po sa akin kung Ok na po kami ng aming family mula sa matinding pagbaha na dulot ng bagyong si Ondoy. Pasensya na po kayo at hindi ako nakakapag-text dahil mula Biyernes ng gabi palang nawalan na kami ng kuryente at halos paubos na ang battery ng aming cellphones. Saka lang ako nakapag-reply nung bumalik ang kuryente kinagabihan ng Lunes.

Maraming Salamat Po! (Pulitiko/Artista tone)

Teh Ondoy Aftermath

2 Reaction(s)
Friday 2000H - Usual heavy rains na naman. Tiningnan ang weather bulletin ng PAG-ASA, naalarma kasi naalala ko na naman ang typhoon track na ito kagaya ng dati na pag tumatawid malapit sa amin (Rizal ) ang bagyo, asahan mo na pinsala na naman at matagalang brownout at walang tubig. Pero still praying na hindi nga maging ganun.

Saturday. 0630H - Got out from the office. Grabe ang itim ng ulap. Any moment babagsak na siya. Nagtaas na ng public storm signal sa ibang area ng Luzon. After a couple of minutes, lumakas na nga siya at nagpatuloy at biglang humina nang palapit na ako sa terminal.

0800H - Just got home, naabutan ko pa silang nagpapatuyo ng sahig dahil pinasok na naman sila ng baha at malakas daw ang ulan kagabi. Nakanood pa ako ng X-Files at ibang show bago naantok.

1200H - Nagsimula na namang lumakas ang ulan at kasama na ang hangin. Sa aking tantya malapit na sa amin ang mata ng bagyo base na rin sa gustiness ng hangin.

1500H - Naramdaman na namin ang full force ng bagyo. Grabeng lakas ng hangin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito na halos mabali na ang mga sanga ng puno at bubong ng bahay sa lakas ng hagupit ng bagyo. Samahan mo pa ng malakas na buhos ng ulan. Nakatulog ulit dahil sa lamig ng panahon sa taas ng bahay namin.

1600H - Tuluyan nang nawalan ng kuryente (kasama na ang tubig) sa aming area. Samantala patuloy ang pagpasok ng tubig sa aming bahay. Malakas ang pasok ngayon at sa loob lamang ng ilang minuto, hanggang sakong na ang tubig. Waterworld na naman sa akin ulit, lutang ang ibang tsinelas. Inakyat na namin mga pwedeng maabutan ng tubig-baha.

1700H - Hindi na ako nakatulog mula nun, simula nang patuloy sa pagbuhos ng tubig-baha sa aming bahay sa harap at likuran. Pati mga kapitbahay namin eh hindi rin nakaligtas sa hagupit ni Ondoy. Pinanood nalang namin ang mga taga sa amin na naliligo at naglalaro sa baha. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

1900H - Dahil walang kuryente, nagpalipas ng oras ng pagbabasa ng ilang libro sa tanglaw ng kandila. Hanggang sa makatulog na bandang hatinggabi. Dumating si Auntie dahil nag-aalala dahil hindi pa umuuwi ang aking pinsan dahil walang signal ang lahat ng network at empty batt na halos kami, wala rin kaming nagawa kundi pagdasal nalang na nasa mabuting kalagayan siya pati na rin si Papa na hindi rin namin makontak.

Sunday 0830H - Tinanghali na ako ng gising. Naaninag ko na ang sinag ng araw mula sa loob ng bahay. Pagbungad mo agad sa labas, mga nakatumbang mga sanga ng puno at ilang yero. Mabuti na lang at walang nasaktan sa aming lugar.

1000H - Pumunta sa bahay ng aming tita sa pag-aakalang nabalik na daw ang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar. Sa aking mga narinig mula sa balita sa paligid. Pasalamat pa kami at mababa lang ang tubig-baha sa amin, hindi tulad sa ibang lugar na malapit sa may ilog na halos umabot na sa bubong ang tubig at stranded na ang karamihan. Makikita mo sa kalye mga taong putikan mula sa paa pataas. Pumipila sa mga tindahan pantawid-gutom mula pa kagabi.

1100H - Pagdating kina Auntie, halo-halong kwento pa ang aming narinig. Yung ibang subdivision, hanggang bubong at ilan sa kanilang ari-arian ay naanod ng baha. Sobrang laki ang itinaas ng ilog na umabot siya sa kalapit na mga resort na kung saan nasilayan ko mismo ang sira-sirang pader at maputik na swimming pool. Dumaan ako sa Mercury para bumili ng supplies (dahil sarado ang palengke at mga grocery stores), mahaba ang pila at generator lang nagpapagana dito. Nagkakaubusan ng tubig, kandila ilang pagkain gaya ng instant noodles. Patuloy ko paring narinig ang ilang mga kwento ng mga nasalanta ng baha, mayaman man o mahirap.

1300H - Nasa bahay lang at dahil walang kuryente at empty batt na rin ako, walang magawa kundi magbasa lang ulit ng libro hanggang sa kinagabihan. Nakauwi na rin ng ligtas si Papa (na sumabit na lang para lang makauwi) at aking pinsan (na mula Regalado, stranded sa may Litex, napilitang umangkas papuntang San Mateo hanggang sa makauwi na rin).

Monday 0800H - Wala pa ring tanda na magkaka-kuryente. Mula pa Biyernes ng gabi nawalan ng kuryente at umaasa kami na sana magkaroon na, the sooner the better. Lahat ng tao sa amin, nag-iigib na sa tubig poso para sa pampaligo at pumipila sa mga water station para sa tubig. Hindi pwedeng laging ganito. Tiyak marami ang magagalit kung tatagal pa ng ilang araw na walang kuryente at tubig. Manaka-nakang umaabon pero hindi na kasinglakas kagaya noong Sabado. Basa lang ulit ng libro to kill time.

1600H - Pumunta kina Auntie para makiligo. Hayz, sana magkaroon na ng kuryente sa aming lugar. Palagi na lang kami ang least priority ng Meralco. Hindi pa ako nakakasagap ng balita sa labas dahil na rin walang kuryente at empty batt ako. sa ngayon unti-unti nang bumabangon ang aming lugar at sa loob ng ilang mga araw inaasahan kong babalik na sa normal ang lahat. Umaasa ako sa kakayahan nating mga Pinoy na sa kabila ng kabila-kabilaang unos eh makakaraos pa rin tayo at babangon.

Current Mood

4 Reaction(s)

"being alone"

Sa ngalan ng ATM

0 Reaction(s)
Hindi ko alam kung system issue ba ang nangyari sa bank kung kayat hindi niya tinatanggap kahit anung transaction mula sa aming card or kung dahil iba ang connection/network ng The Fort hindi kagaya sa ibang area. Imbes na sumakay na kami at umuwi na, napagpasyahan namin ni Garry na maglakad-lakad muna hanggang sa makahanap ng ATM sa EDSA.

Nakarating kami sa Guadalupe at dun na nakapag-withdraw sa isang tagong branch. Level-up na naman ang mind ko dahil sa bagong lugar na napuntahan. Inabot na kami ng ulan sa pag-uwi. Pero tumila na rin siya hanggang sa makauwi ako. Nakakatawa lang na sa ngalan ng pera eh magagawa naming maglakad at maghanap ng available ATM mula sa Estrella hanggang sa Guadalupe.

He Says

0 Reaction(s)
pareng Yoshke, your sooooo cheesy sa post na ito,

"The greatest thing is that you have been giving me that hormone-rush so often but oh so effortlessly. We have not had a date expensive enough to regret it. You have not done anything grandiose enough to make me feel unworthy. You have not done anything that could be bigger than you. You just give me you. And you are enough, really.

...

These are things I had not blogged about. But these memories will always be with me.

...

I fell in love with you more than six months ago. Later on, I decided to continue loving you. I know you’d made that decision, too.


With or without those hormones, there will always be fireworks. And for that, thank you."
-Fireworks, Hormones, and this Blog Post, Yoshke's Blog

Kaka-miss

0 Reaction(s)
Naabutan ko pa kanina ang kaulapan bandang hapon. Gaganda ng kulay ng mga ulap. Parang cotton candy na masarap abutin at kainin. Naalala ko na naman ang aking kabataan lalo na nung elementarya.

Tuwing recess time namin at maulap. Nahihiga ako sa damuhan sa oval area ng paaralan namin. Sabay tingin sa kalangitan. Nakakawala ng pagod at mga problema ang pagtingin kong iyon. Iniisip ko ang aking mga pangarap at mga landas na aking dapat tahakin habang naamoy ang bango ng sariwang damuhan.

Dahil na rin sa aking trabaho, mapa-umaga man o gabi. Wala na akong pagkakataon na masilayan ang mga ulap tuwing takipsilim at mamalas ang kakaibang tuwa na nararamdaman habang pinapanood ang mabagal na paglubog ng araw at paggalaw ng mga ulap na ihip-ihip ng hangin. Maski sa weekends, nagiging busy na rin ako.

Pipilitin ko pa rin na magkaroon ng panahon para sa ganitong bagay hindi lamang sa pagmalas sa mga ulap ngunit pati na rin sa mga bituin sa kalangitan pagsapit ng gabi.

Currently Playing

2 Reaction(s)
Sobrang busy sa work at sa lovelife. Nakakalimutan ko na ang video gaming. Hayz nakakamiss ang buhay high school ko, sobrang infused ako sa mga video games mapa Playstation or PC pa siya.

Sa ngayon, nilalaro ko lang puro browser based games at mga apps sa FaceBook. Aside from MafiaWars (lv.250+), hinikayat akong maglaro ni Toning ng Naruto Apps (Lv.5 palang ata) parehong game engine ang ginagamit. Another one was the Ninja RPG. Dito ngayon naka focus ang attention ko. Yung money maker, nagsisimula ko nang pakinabangan, samantalang ang main account ko, pinapa-rank hold ko muna para max stats bago umakyat ng next level.

Uhaw na rin ako sa paglalaro ng online games, kelan nga ba huli kong laro nito? AFAIR, Cabal Online last na nilaro ko at mga 6-8 months ago na iyon. Naumay na kasi ako sa ganung hack and slash Korean style MMORPG. Unlike dito sa World of Warcraft na nde ka aantukin sa dami ng quest, items other things na pwedeng gawin aside sa pagpapa-levelup. Sana mahanapan ko ng time ang paglalaro ng WoW.

Da Port Pers Dey

3 Reaction(s)
Pers taym na pumunta sa Global City. Kaya nakikiramdam muna lalo na sa bus kanina, panay ang tingin ko sa map dahil baka lumagpas na ako. Binilang ang mga bus stops. Pang-lima, nagtanong tanong dahil hindi ko pa tanaw ang building, naglakad-lakad.

Nagkaroon ng orientation/mini-tour sa ilang floors ng building. Pahapyaw lang at medyo nagmamadali si Boss. Naninibago lalo na't bago lahat ang lahat sa akin. Nangangapa pa rin at kinakabisa ang ilang mga lugar sa building. Pasasaan ba't masasanay rin ako.

Grabe sobrang lamig ang workarea. Nakailang idlip ako sa harapan ng PC. Kainis kahit naka jacket kapa, tumatagos sa mukha mo ang lamig. Naka-leave kasi iba kong mga kasama kaya walang makausap, nakadagdag pa sa antukin ko.

Longest 8 Hours

4 Reaction(s)
Last day sa PhilAmLife. Kanina andami kong iniisip tungkol sa bagong lilipatan. Nakaka-challenge na nakakatakot kasi bagong working environment. At hindi ko alam magiging buhay ko mula bukas. Kung anu na ang ruta ko papasok at pauwi. Ang oras na kailangan kong ilaan. At syempre ang gastos na dadagdag mula sa aking bulsa. Nag-message pa ako kay mahal na natatakot ako sa paglipat namin bukas, buti nalang binigyan nya ako ng moral boost para harapin mga ito.

Deyt sa Beywok

6 Reaction(s)
Kahapon excited akong makita ang aking mahal, usapan namin sa MOA at 5pm. Umaambon pero manaka-naka lang throughout the travel. Akala ko late na ako 5.15pm na tinawagan ko siya. Hayz katatapos palang niya maligo. Anung oras na naman kaya ako mag-aantay sa kanya, sabi ko. I waited for 2 hours sa kanya. Tinubuan na ako ng ugat sa aking kinauupuan. Around 7.45pm dumating na rin siya. Sobrang inis ko talaga that time, everyday nalang na magkikita kami nagkakaroon ako ng record sa long wait para sa kanya.

Well kailangan kong ilabas ang galit na ito kaya naman nasabunan ko siya nang kaunti. Hindi naman niya gaano pinansin at siya na ang sorry sa akin. Ganito lang talaga ako, once na na release ko na ang inis at galit ko, wala na ito at Ok na ako. Anung magagawa ko hindi ko magawang magalit sa kanya kasi mahal ko siya. Wala kaming mahanapan na kainan since sa oras na iyon jampacked lahat ng resto sa MOA sa we decided na magpunta nalang ng Robinsons Malate at dun kumain sa isang fastfood. Unting usap then lumabas na kami.

I have no idea kung san kami after kung hahatid ko naba siya pauwi or liwaliw muna. Niyaya niya ako na magpunta sa Baywalk. Kala ko naman nawala na ito nang pinagaalis ni Mayor Lim, iyon pala yung mga bazaar lang. Daming mga lovers, hindi kami makapwesto. Naglakad-lakad na lang muna. Natatawa nalang kami sa isa't-isa nang inangkas ko siya at binuhat sa aking likuran. Tawa nang tawa naman si mahal. Hanggang sa makarating sa Star City, potek mahal ng rides. Hehe! Next time nalang siguro.

Binanggit ni mahal na may pasok pala siya bukas ng 10am, nainis ako kasi bakit hindi niya sinabi agad sa akin. After that dali-dali kaming naghanap ng apartelle para makatulog siya at umalis nalang nang maaga. The rest is history. Hehe! Nagising kami kanina mga 4am, nag-ayos at naglakad-lakad na pauwi. Masaya ako kasi never pa akong nakapunta sa area na iyon at though a bit culture shocked sa mga nakikita (mga beer garden, maraming nasa bangketa natutulog, madumi at hindi kanais-nais na tanawin); mabilis namang nasanay ang aking mga mata sa mga tanawin sa kalakhang Maynila. Masarap dahil madaling-araw nun at medyo malamig pa.

Iniisip ko, sana tumigil ang oras para sa amin. Ang saya-saya ko pag kasama ko siya. Parang paraiso kapag kasama ko siya. Ayoko nang sumakay nang bus nang mga sandaling iyon at gusto ko na makapiling pa siya ng kahit ilan pang minuto, pero kelangan na niyang umuwi dahil may pasok pa siya. Nagpaalam kami sa isa't-isa bandang 6 ng umaga. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mukha habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Sana maging madalas ang ganung pagkikita namin ni mahal.

Clip: 'Di na Mababawi - Sponge Cola

2 Reaction(s)


'Di na Mababawi
Sponge Cola

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

Chorus:

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

*Repeat Chorus

Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan)
'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman)
Giliw yeah yeah yeah yeah

Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Public Service: Help for baby Daniel

2 Reaction(s)
message from my fellow officemate Oliver..

Dear Brothers and Sisters in Christ,

My name is Oliver Ignacio Samson. I am a father of two, named Gwyneth Ann and George Daniel. We are residing living at Blk 8 Lot 43,Barangay San Rafael 1, San Jose del Monte City, Bulacan,Philippines.

I wrote to you this letter to ask for financial help for our baby George Daniel. My son Daniel was born with a life threatening disease called “Biliary Atresia”. It is a congenital condition characterize by the absence or closure of the bile ducts that drain bile from the liver. Biliary Atresia is a progressive inflammatory process that begins very soon after birth. In Daniel’s case, he was diagnosed with Biliary Atresia when he was already 2 months old. During that time, there was already a significant amount of damage to his liver. White blood cells invaded the ducts, which became damaged or closed completely. Bile was trapped inside the liver and rapidly caused liver cirrhosis.

An operation called “Kasai Method” was done on Daniel by Surgeons Dra. Minas, Dr. Baluga and Dr. Miguel at the UST Hospital last June 10, 2009. It is an operation that removes the damaged biliary ducts outside the liver. Then, the small intestine is directly attached to the liver at the spot where bile is found or expected to drain. This procedure is not a cure but rather a temporary solution to be able to give Daniel some more time to find the necessary funding for his operation and the matching liver type. Unfortunately, although the operation was done, his liver continued to fail. Our doctors told us that there is no other course but to have a liver transplant.
Unfortunately, liver transplant is not yet available locally but it can be done in Taiwan for P3 million pesos. This amount is simply beyond the means of our family. If my son will not be able to have a liver transplant soon, he will die. All we want is to see our son live that’s why we are appealing to your charity and compassion.

Donations can be deposited to:
Bank of the Philippine Islands branch under the account name Oliver Ignacio Samson, S.A. No.0039-1384-92 . Every peso counts. I beg you, please help us.
Thank you for your time in reading my letter and we are hoping for your kind help.

God Bless,
Oliver Ignacio Samson
Tel. Nos.: (+632) 393-0043, cellphone +63918-4600335, email dudparemy@yahoo.com

Matthew 5 : 7-8 ‘Blessed are the merciful,for they will be shown mercy, Blessed are the Pure of heart, for they shall see God’

16 Hours

5 Reaction(s)
Orientation kanina sa paglipat namin sa new site. Hayz, hanggat maaari - ayokong lumipat. Pero la naman akong magagawa kaya pikit-mata kong tatanggapin ang drastikong pagbabago na ito. Sa Martes na opisyal na paglipat namin sa Bonifacio Global City. Bagong challenge na naman sa akin ito lalo na sa travel time at gastos. Good luck na lang sa akin. Dagdag pagod, enerhiya, gastos at pawis. Hehe!

Pero malay natin, paglipag ng ilang linggo o buwan, masasabi ko na ring "I love Net Plaza".

Burnt

4 Reaction(s)
Pakiramdam ko ngayon, pagod na pagod ako. Siguro dahil sa ilang araw na ubo. Walang bagong nangyayari sa buhay ko. Status quo ang lahat. Walang adventure. Ultra boredom. Ewan. Hapong-hapo ako na gusto kong magpahinga ng isang buwan sa isang liblib pero payapang kabukiran o kaya sa dalampasigan or sa bundok. Wala namang nag-aalaga sa akin. Kailangan pa ba sabihin dapat nilang gawin. Puro na lang ako nang ako ang nagsasabi. Nakakasawa na.

after 1000..

5 Reaction(s)
1001th blog post

Cuff.. Cuff..

3 Reaction(s)
Me sakit si Jinji ngayon, huhu! Inuubo kahapon pa. Dahil siguro sa nabasa siya sa ulan nung weekends at hindi nakapag-take ng supplements lalo na Vitamin C. Hopefully within this week maging na sana. Hayz, sana andito si mahal sa tabi ko para alagaan ako. Thanks nga pala kay Pipo sa mga relationship tips & advices.

Sinamahan pa nito na nde nakakapag-charge yung phone niya ngayon. Kaya naman naka-depende sa Universal Charger ang inyong lingkod at planong mag spare battery nalang kesa naman mag-antay pa ng one week at dagdag gastos na naman just in case marami pang ma diagnose na sakit yung phone.

Tri In Wan

2 Reaction(s)
Wan. Internet sandali. Check at verify lang ng mga emails. Check ng messages sa Ebay.Ph. Adik na sa The-Ninja pero try pa rin check Facebook at GaiaOnline. Nakausap rin saglit si Kuya DK at si Semaj sa YM.

Tu. Punta sa clinic at nagpa-lightcure sa mga "butas" sa ngipin. Ito kasi pinakamalapit na accredited dentist ng HMO namin. Buti na lang at mabilis lang ang "operation", ginamit ko na ang limit na 2 amalgam/2 lightcure per year. Mabait talaga si Doktora Genet, pinapaliwanag niya kung ano nangyayari sa procedure at iba pang info pag nagtatanong ako.

Tri. Pagupit na naman. Mukhang mapapako na ako sa semikal na looks. Frustration ko pa naman na sana humaba ang hair ko kaso nasa genes kasi namin na manipis lang ang hair.

Hindi ko naisip na magagawa ko ang tatlong gawain na yan sa loob lang ng ilang oras, tamad pa naman ako lalo na't makulimlim at may pasok pa ako sa gabi.

***
P.S. Pasensya na po kung hindi ako masyado makapagsulat nang maayos at puro mga maiiksing entries lang nagagawa ko. Super busy po ako sa aking karera at sa aking lovelife; *kilig* na maski weekends, hindi ako makikitang naka-pirmi lang sa bahay dahil quality time minsan sa aking mahal. Pasensya na rin po sa ibang kaibigan kong bloggista kung hindi ko nadadalaw ang inyong blogsite. Hayaan niyo at babawi po ako sa inyo sa pagdating ng mga araw. Kailangan ko lang balansehin ang aking oras at enerhiya at mga prioridad sa buhay. Salamat po!

Frustrating Realizations

4 Reaction(s)
You find the perfect love,
but in a wrong time;

You find the perfect one,
but he's not in love with you;

You find the perfect one,
but you must be loyal to someone else;

You got the perfect looks,
but no one takes you seriously;

You meet the perfect personality,
but your bound to be just friends;

You got brains,
but you got a frail heart;

You find the courage,
but it's just too late;

Your ready to love,
but you don't know where to start;

How ironic life can be..

40 Hours

4 Reaction(s)
Last week na namin sa Philamlife at lilipat na kami sa NetPlaza. Hayz. Kung dati excited ako, ngayon hindi na. Dagdag gastos, pagod at pasakit na naman ito. Paalam sa Makati, mahigit isang taon din tayo nagkasama. At ngayon, panibagong hamon na naman sa pagharap ko kay Bonifacio Global City.

9/11 Teh 1st

8 Reaction(s)
"Waa expired na pala ako, text kita later. thanks Jeffrey, ok tayo na, officially. August 11, 2009 8.38pm. Jeff sana ganyan ka palagi sa akin, thanks talaga. Pinasaya mo ako lalo, mahal na mahal kita."

-SMS Received: 08/11/2009 8:40pm


Happy 1st monthsary!

Clip: Hiling - Silent Sanctuary

3 Reaction(s)


Hiling
Silent Sanctuary

Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan kana kaya, aasa ba sa wala

(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Bridge: (bridge ba tawag d2? hehe ewan)
Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ko lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...

(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

9/9 Tampo

0 Reaction(s)
Kaninang umaga, tampuhan na naman kami ni Arc. Medyo emote mode na naman kasi ako. Regarding sa hindi na naman siya nag-eefort para sa relationship namin. Dunno kung paranoid lang ako sa bagay na ito. Kelangan ko pa siyang kilalanin pang maigi. Na-badtrip siya sa akin nung umaga dahil sa pinagsasabi ko sa kanya.

Samantala habang pauwi na naman ako, nagkaroon ng eksena sa bandang zigzag area sa may QC-Rizal boundary. Me nasusunog na kotse, kaya hindi makadaan ang mga motorista dahil sa takot na sumabog ito. Rinig ko sa mga usisero, yung isang lalaki binuhusan ng gasolina ang sasakyan at dinamay na rin ang asawa't anak nito na sabay ring natupok sa loob. Wala na akong narinig pagkatapos nun at nakita ko nalang kanina sa TV Patrol na binabalita ito.

Pagkauwi kanina, empty batt - charge mode. Supposedly nood ng X-Files, kaso naunahang nadalaw ng antok. Malamig ang panahon. Sarap matulog. Nagising nalang ako bandang 2pm, hindi na ako nakatulog since then.

Binuksan ang Uzzap, kinausap si BFF Yohan bout sa problem ko, kinausap ko si Arc at nag-sorry. Buti at hindi siya galit at inis lang. Nawala na rin pagkatapos at Ok na kami ulit. Salamat ulit kay best at andyan siya palagi kapag may problema ako. Hanggang sa nagbalik sa normal ang lahat hanggang gabi. Naging sweet ulit kami. 2 Days to go!

Pahabol. Happy Birthday sa bunso namin sa grupo. Yelltot! Bansot ka pa rin!

He Says

2 Reaction(s)
"Let this serve as a warning to those who start to love to make sure that it really is it. If you plan to just play the game as an experiment to test if you guys are really compatible - then by all means have the balls to be vocal and lay down the ground rules right from the start. This way, it should be easy to run to the fire exit if one can't take the heat anymore and not worry about burning the other person too much in the process.

Let this also serve as a warning to those who believe in fighting for love - that fighting by yourself will only get you only so far. Remember that it's a relationship between two individuals and that it should be fought side by side. One will definitely lose fighting a battle built for two individuals anyway. Go ahead for the experience but just guard yourself in the fact that it can get really ugly.

Let this also serve as a notice that if one is looking to grow old with another person - then stop looking for ideals, for other people, for past loves, and for unrealistic expectations/compromises. Just be real and work together with whoever you're with for it. Soulmates are rare to come by anyway."
-Finding Lukayo, Lukayo's Blog

Tinamatad

0 Reaction(s)
Nakakatamad talaga ang panahon ngayon. Dahil siguro sa madalas na paguulan kaya naging dormant na rin ang utak ko sa pagpost ng bagong entry. Sana naimbento na ang nakakapag translate into words ang mga iniisip mo para hindi ka na mag type pa. Super katamaran na ito. Maski social networks ayoko na munang bisitahin. Hindi ko alam kung anung motivation ang dapat gawin para magka-interest ulit ako kagaya ng dati.

Honga pala advance Happy 1st Monthsary Ely-Arch!

RoboGeisha

3 Reaction(s)

Antukin

0 Reaction(s)
Nitong nakaraang mga araw napapansin ko na mas madalas na ako antukin ngayon hindi kagaya ng dati. Binabawi ko naman ang tulog ko kada restdays. Pero mukhang kulang pa rin at gusto ata ng katawan ko na matulog ako ng 8 oras na tulog at hindi 2-4 oras lang. Gusto ko na tuloy bumalik sa umagang shift. Pakiramdam ko lalong nagde-deteriorate ang health ko lalo na't ung body clock ko pabago-bago at hindi ako nagigising nang sa oras.

Sobrang antok ko minsan, slouch mode ako sa chair at pipikit ang mata sandali p kaya yuyuko hanggang maabot ng noo ko ang keyboard. Lalo na't mga bandang 2-3am, sobrang headbang. Sana nga lang at ngayong week lang ito. Na-miss ko bigla si ate Bebe yung paglalakad namin sa kahabaan ng Ayala at sa likod na kalye nito. Mga kwento sa CamFrog at abroad. Good luck sa bago mong work. Text-text nalang siguro at malapit na rin naman ang Cebu team building natin at kasama ka pa rin dun.

Bagong Kinaadikan

0 Reaction(s)
sawa na ako sa MafiaWars sa Facebook kaya eto na at muli akong bumalik sa dati kong kinaadikan, salamat kay Freelanxer ^^;

theninja-rpg.com

Ingredients

2 Reaction(s)
just like what kuya "el toro" said (ingredients for sustaining a relationship),

       trust.

             faithfullness.

      open communication.

Current Mood

6 Reaction(s)

Nada Importante Sucedido

0 Reaction(s)
Monday. Dumaan lang sa computer shop para mag-update sa mga activities online. Hindi agad nakauwi dahil naabutan ng ulan. Ang again nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi. Mas pinili ang hindi nalang pumasok para "quality time" sa family. Buong araw watch lang ng Season 5 ng X-Files. Paputol-putol dahil manonood sila ng peborit nilang mga palabas. Disappointed na nalamang full VL ang declared at hindi HL. Natapyas tuloy ang kakarampot na VL's na natitira pa. Buong araw Smart Uzzap din with my online buddies lalo na sa 193. Siyempre kausap ko rin si Ar. Medyo excited dahil malapit na rin ang monthsary namin.

Sunday. Nagdadalawang isip kung pupunta ba sa gym. Makulimlim at malapit nang umulan. Masarap matulog. Nag-text kay Abundio, gym daw siya. Napagkasunduan na puntahan si Angelo para sumama. Malaki na improvement ng future computer shop ni Angelo. Gawa na ang bintana at mga computers na lang kulang. Hopefully mga 3rd week ng September makakapagsimula na siya.

Sumama na rin siya sa amin mag gym. Wala yung trainer. Usual routine ang ginawa. Mga tanghali na umuwi. Dumaan sa pares. Weird na naman si Angelo. Sabi niya tulungan daw si Cyril pag may problema, eh siya ang mukhang meron at mabigay kumpara dun sa isa na cool lang. Pinilit ko mag-open si Angelo, at iyon na nga. Sinabi niya mga bagay na nakakapagpabagabag sa kanya. Hopefully sundin niya ang binigay naming advice para kahit papano maibsan bigat ng kalooban niya.