Pers Taym Nong

Naalimpungatan ako kanina sa kasarapan ng aking pagtulog mula sa ingay na naman ng TV namin habang pinapanood nila ang Wowowee. Ayun sa kasamaang palad hindi na ako nakatulog after. Sinabi na lang sa akin na dumating si Rene (berks/kababata) para ihatid sa akin ang invitation para sa binyag ng kanyang bunsong anak. Nawala sa isip ko na bukas na pala iyon at isasabay sa pista sa kanilang barangay. Kinausap ako na pwede ba daw kaming mag ninong kasama si Cyril sa kanyang anak. Pumayag naman kami kaya eto, dali-dali nagpunta sa mall para bumili ng pang regalo.

Mga dapit-hapon na rin iyon nang makarating ako sa mall. Nabili ko naman agad siya at nag extra curricular nalang ako. Supposedly makikipagkita ako sa isang ebay seller para sa item. Pero dahil nga sa hinanap ko pa yung healthy options para bumili ng fish oil medyo nagtagal ako kakahanap na wala na naman palang stall. Takipsilim na nang umalis ako at dumiretso na sa MRT para pumasok.

Bukas maaaga naman ako dapat dahil alas-10 ang binyag. Actually 2nd na dapat na inaanak ko ito (nag proxy lang ako sa una pero ako pa rin ang hinabol at ginawang ninong). Puyatan na naman ito. Hehe!

2 Reaction(s) :: Pers Taym Nong

  1. akalain mo nyun, hindi ka tumanggi sa pagiging ninong hahahahahaha.

  2. angie iba ang panahon, dati sa ngayon. mayaman na ako! salamat sa motmot business.