All by myself again

Ang hirap-hirap ng ganitong sitwasyon. Sa mga panahon na low spirit ka at sobrang down. Hindi ka man lang matulungan ng partner mo. Na supposedly kasama mo to cheer you up and giving you a heads-up. Instead, patuloy ka lang na nilulubog sa putikan sa patuloy na pag-criticize sa iyo. Bugbog na ako sa mga iniisip, hindi mo pa ako matulungan. Anu pa silbi mo ngayon sa akin, na sa ganitong pagkakataon na kailangan kita, mas pinili mo pa ang ibang tao kesa sa akin. Tapos sasabihin mo pa sa akin, i should see a psychiatrist.

Wala naman akong pakialam kung mabasa mo ito. As if may pakialam ka sa akin. Hindi mo nga tinatanong kung anung mga gusto at ayaw ko, eto pa kaya. Pag nilalabas ko problema ko or frustrations, ikaw pa itong nagagalit sa akin. Anu na lang ang pwedeng kong gawin na kaaya-aya para sa iyo, lokohin sarili ko na Ok ako despite na in reality me problema talaga. Pasensya ka na transparent akong tao, hindi ko kaya magkunwari. Kung anu ang nararamdaman ko, nakikita sa kinikilos ko.

Sa ngayon, reality check ako ngayon. At pagiisipan ko mga susunod na hakbang. Kung wala talagang pagbabago na mangyayari. Then kahit ayoko, kelangan ko gumawa ng drastic action para sa ikabubuti at ikatatahimik nating dalawa. Sabi nga sa kanta - "If you really love me, then show me that you give a damn.."

** Update

Nagkita kami kanina, nagkasabihan ng nasasaloob. Status quo. Hanggang sa matapos manood ng movie. Pagkauwi nagkausap nang kaunti. Nag sorry siya sa akin. Naramdaman ko naman na sincere iyon. Sa ngayon, nasa lowest spot na naman kaming dalawa at pipilitin naming makabangon muli mula sa pagkakalugmok sa mga trials ng relasyon namin.

0 Reaction(s) :: All by myself again