Jin,
Ewan ko ba sa iyo, nagpapakatanga ka na naman sa isang taong hindi ka kaya mahalin. Kakatapos mo lang sa isang break-up at heto hindi pa nga lumilipas ang isang buwan. Sinusubukan mo na naman at iniisip mo makakahabol ka bago magpalit ang taon. Tanga-tanga mo pa rin hanggang ngayon. Resulta yan ng kaka-daydream mo. Iniisip mo, katulad ng isang fairy tale na naman ang kwento mo na maganda ang katapusan.
Hindi ka na bata, at hindi totoo ang nababasa mo dun. Magising ka sa realidad. Sa ilang taon nilang pinagsamahan, talagang malalim na ang attachment sa kanya ng kasintahan niya. At nung nakipaghiwalay ito sa kanya, iniisip mo naman na ikaw ang lalapitan. Asa ka pa. Tanga. Hindi ka na natuto, diba nangyari na sa iyo yan dati. Between you or yung isang matagal na niyang nakasama. At sino ang iniwan sa ere? Diba ikaw din?
Anu ba kailangan ko gawin sa iyo at hindi ka rin natuto sa mga naganap sa buhay mo. Move on na. Ginawa mo na ang makakaya mo sa pag-aakalang makakakuha ka kahit man lang simpatya mula sa kanya. Kaso, talagang hindi ka niya mukuhang (o di kaya subukan man lang) mahalin. Sapat na iyong ginawa mo na ang lahat para i-comfort siya sa panahon na sobrang down siya. Nasa sa kanya na lang iyon, kung ma-realize ba niya na dapat binigyan ka niya ng pagkakataon na mahalin.
Sabi ng ka officemate mo diba, maraming isda sa karagatan. Hindi ka mauubusan at makakabingwit kapa ng isdang para sa iyo. Kaya iwanan mo na ang parte ng libro na yan tsong. Matanda ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hay
yan lang ang masasabi ko.
sana eh maging masaya ka na sa 2010 :)
-Semaj
Jeybee Rondee
December 31, 2009 at 5:41 PMJin wag ka magmadali! nanjan lang sa paligid yung magmamahal sa yo ng buong-buo..more than you expect to get..baka lang choosy ka hehehe
Anonymous
December 31, 2009 at 6:04 PMahehe. reaction agad. kahit papano choosy syempre yung pakikisamahan ko eh gusto ko din dapat.
Jinjiruks
December 31, 2009 at 6:36 PM