Kainis biglang nag-shift ang kaadikan ko mula online games into Pesbuk. Dati rati parang wala lang, flash game lang ito kagaya ng ibang nakikita mo sa Internet. Pero ngayon halos araw-araw kahit man lang isang oras, kelangan makapaglaro ako dahil may hinahabol akong mga stats, achievements at iba pang anik-anik sa games na nilalaro ko.
Una, ang CastleAge - ito ang main culprit kasi ba naman, ok sa akin ang multi-function features niya na bukod sa mga quest, may achievements page pa, random items and yung group battle sa mga epic bosses. Next naman yung Spore Islands, though hindi masyado sikat ito, gusto kong palakasin ang monster ko at tumaas ang biodiversity ng island. Then yung Naruto Shippuden naman, wala lang, mission at jutsus lang. At yung isa sa una kong nilaro, MafiaWars na sa ngayon eh malapit na naman magbukas ang bagong area which is Bangkok. So far, isang job nalang sa Cuba ang naiwan sa akin at patapos na naman ako sa Chapter 4 sa Moscow. Itong apat na game lang ang nilalaro ko sa ngayon, ayoko kasi ng high maintenance game gaya ng Harvest Moon clone na Farville etc.
Siguro pag satiated na ako sa mga ito. Balik shift na naman ako, once na mahiram ko na ang World of Warcraft na installer. Nakaka-miss na rin kasi ang mag-WoW, it has been more than 2 years right now mula nang umalis ako sa mundo ng powerlevelling sa mahal naming GamePal. Very promising ang video game business sa Pinas, iyon nga lang masyado pang bata ito at kailangan pa ng further research para ma pinpoint kung saan feasible ang gaming industry.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Pesbuk Adik
Post a Comment