Testing

2-11pm. Wow start na talaga ng midshift namin. Wala naman akong magagawa kundi sumunod, isang hamak na empleyado lang ako dito sa kumpanya. Kaya kailangan subukan ko ang mga available options sa akin para makapasok o uwi. Masyadong alanganin ang shift na ito, sobrang init pag papasok ka tapos delikado pa pag uuwi ka. Next year ko pa balak mag apartment kaya tiis muna ngayon.

Sa pagpasok, 2 lang pinagpipilian kong route - sa Commonwealth or sa Cubao. Since Php4 lang naman ang difference kaya hindi masyado big deal. Iyon nga lang, hindi ko pa nasusubukan ang travel time sa ganung oras kaya eksperimento muna. Sa ngayon biyaheng Cubao (thru FX) ang kinuha ko. Ok naman ang biyahe pero ayoko na talaga maupo sa unahan. Tirik masyado ang araw at ang init sa harapan. Masusunog ang bag at hita ko niyan. Kaya naman pawis ang likod ko nung pagbaba sa FX.

Buti nalang at may MRT card ako kundi pipila na naman ako ng ilang minuto sa MRT. Buti naman at hindi ganun karami ang mga commuters nung mga oras na iyon. Nakasakay rin ako agad. Bumaba na ako sa Buendia at sinubukan ang isa pang route na bus pabalik sa Estrella (against the conventional The Fort bus at Ayala MRT). Mabilis ang biyahe at hindi mo na kailangan mag-antay nang katakot-takot sa pilahan gaya nung nangyari sa akin dati. Eto pawisang baboy na naman ako habang naglalakad papunta sa office.

Isang malaking challenge eh ang pag-uwi mamaya. Hanggang hatinggabi lang ang terminal sa amin at 11pm pa ang uwi ko. Ayoko nang sumakay sa Taxi pag ganung alanganing oras. Ang gastos talaga. Kaya option ko pag wala nang terminal. Babalik ako sa Batasan Road at dun maghahanap ng diretso na jeep pauwi sa amin. Hayz, ayoko talaga ng ganitong schedule. Pakiramdam ko nag-iipon lang ako kundi sa ospital eh sa libing ko. Umalis nga ako sa comfort zone, pumasok naman sa danger zone. Sana nga at temporary lang ito at next month/year eh back to normal na ang schedule namin.

*UPDATE

Kagabi, todo madali pag-uwi, para maabutan ang ilang nalalabing jeep sa terminal. Nakasakay na rin sa bus agad. Nainis lang nang kaunti kasi sobrang tagal niya sa isang area minsan kung makahakot ng mga pasahero. Anung oras na rin at almost 1am na ako nang dumating sa terminal. Buti nalang at may jeep pa pero punuan pa rin. Pagkauwi sa may amin, walang katao-tao sa lugar namin. Kaya naman nagmamadali rin akong maglakad. Past 1am na ako nakarating sa bahay. Ayoko talaga ng ganitong schedule. Kainis. Masasanay ka sa panganib.

4 Reaction(s) :: Testing

  1. wish you luck..sana maging maayos na ulit sched mo.

    happy christmas. :D

  2. salamat sa pagdaan. honga eh.

  3. hehehe may countdown na agad sa birthday niya, hehe. advance happy birthday jinjiruksssss!!!

  4. hehe. salamat po father. mukhang wala kayong ginagawa dyan sa seminaryo at puro net kayo ah.