Yearend

malapit na naman magtapos ang taon at eto gaya-gaya na naman sa annual awards ni Maryan, ilan lamang sa aking mga faves sa buong taon, maiksi lang din ang aking memorya kagaya ni Maryan kaya eto po ang ilan lamang sa aking naitala..

1 Isang taon na ang nakakalipas nang magpa-survey ako sa aking blog sa tanong na "Sino ang mas pipiliin mo makasama?". At ang hatol - Taong mahal ka 75 (29%), Taong mahal mo 180 (70%).

2 Disaster  - Bagyong Ondoy - grabe ang ginawa ng bagyo na ito sa atin. Talagang ramdam ko ang epekto nito kahit malayo nang kaunti sa Metro Manila. Nalubog sa baha halos ang malaking bahagi ng kalakhang Maynila.

3 Social Networks  - dati sikat ang Friendster dahil siya ang revolutionize ng social networking life ng mga Pinoy pero mula nang magkaroon ng ibang features ang Facebook na pasok sa puso ng mga tao (gaya ng mga applications), napataob na ng Facebook ang Friendster sa ating bansa.

4 Facebook Apps - para sa akin yung Castle Age (though mas marami Farmville at iba pang mga pagsasaka na Harvest Moon clone dyan), nagagamit talaga ang stats ng player at may team-ups pa aginst epic boss.

5 TV Series - hindi naman ako mahilig sa local TV series pero sa foreign naman, siyempre Legend of the Seeker, since I'm a Sword of Truth fan. Syempre the classics "The X-Files" as in ilang weeks kung marathon para matapos lang siya at maintindihan ulit ang buong palabas.

6 Movie - so far 2 movies lang ang nagustuhan ko, yung "Paranormal Activity" at "Avatar" (not the Legend of Aang movie, the James Cameron one), pero siyempre Anticipated na ung "The Last Airbender", sa trailer palang, panalo na!

7 Book - since Dracula fan rin po, siyempre about the great Wallachian ruler ang fave book ko this year - "Dracula: Prince of Many Faces, His Life and His Times".

8 Games - hmm, semi-active lang ako sa mga online games, pero siyempre vow na vow pa rin ako sa World of Warcraft, all time favorite ko ang MMORPG na ito, kaya naman hindi ako papayag na hindi ko ito malaro ulit bago matapos ang taon. Kaya eto starting to play again. Tauren Druid kagaya ng dati. Ahehe!

9 Weekend Pastime - since hindi talaga ako pumipirmi sa bahay, pagpunta lang sa computer shop ng aking barkada ang ginagawa ko twing weekends pag walang lakad, paubos ng oras lang dun.Miss ko na ang mga PS Boys.

10 Out of Town - hmm, twice na naman akong nag Tagaytay and lalo na sa Caleruega, napaka serene and tranquil ng area lalo na pag nasa taas ka ng hill. Ang sarap ng hangin. Ang ganda ng scenery. Puro green. Lalo na ang sunset niya. Ang sarap mag meditate. It uplifts my spirit at nakakawala ng stress. Next year maraming naka booked sa akin travel calendar, minsan kalang mabuhay sa mundo kaya susulitin ko na itong pag uunwind ko. Ang saya-saya.

11 Peers - Bukod sa PS boys. Mahalaga sa akin mga clanmates ko sa Uzzap. Sila ang aking shock absorber at breather sa mga panahon na depressed ako at kailangan ng support. Andyan sila palagi para damayan ako. Salamat guys. Sana andyan kayo palagi thru highs and lows and rest be assured i'm also here for all of you.

12 Hero of the Year - siyempre walang duda na si Pacman ito. 7 titles pa naman. Isa na siyang matuturing na Legend sa Boxing World. Tuwing may laban siya, parang tumitigil ang mundo natin. Lahat nakatutok sa TV at pinapanood kung paano niya talunin ang kanyang mga kalaban.

13 Trapo - Pinaka-trapo sa lahat ng mga pulitiko eh ang ating mahal na Pangulo, na sobrang uhaw sa kapangyarihan at hindi pa nakuntento maging Presidente at tumakbo pa bilang Congressman, para siguro maging Parliament na tayo at maging Prime Minister siya, nakakasawa ang mga balita tungkol sa pulitika. Kelangan ng pagbabago at kung hindi ngayon, kelan pa. Kelan pa kaya tayo makakabangon sa pagkakadapa natin.

14 Happy moment - Siguro nung nagpalit ako ng status na "In a relationship".

15 Sad moment - Nung bamalik ulit sa "Single" ang status ko.

16 Boring moment - ewan ko, pagpipirmi ako sa bahay siguro at yung ibang kasama sa office.

17 Word of mouth - TNT!

0 Reaction(s) :: Yearend