Konfus
Habang paakyat sa footbridge sa Quezon Avenue pa-MRT. Hindi ko maiwasang malungkot bigla. Meron lang akong naalalang tao. Though masaya ako dahil nakapag-move-on na siya sa last heartbreak niya. Mukhang ako hindi pa sa kanya. Sobrang mahal ko talaga siya na kahit meron na rin ako. Siya pa rin ang iniisip ko. Gusto ko kasing maging kami dahil nakita ko sa kanya ang mga bagay na hinahanap ko sa isang partner sa buhay. Iyon nga lang, mukhang ako lang ang may gusto maging kami. Kaya naman wala akong gana ngayon sa work at nakatulala minsan. Hay, ewan ko. Jinji - meron ka nang special someone. Try to divert your attention. *sigh* Hirap magpakatao.
by
Jinjiruks
January 13, 2010
10:20 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hmmm.. sino naman yun?
bampiraako
January 15, 2010 at 6:10 AM"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay
katotohanan. "
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"
-- huh ..
Kid
January 15, 2010 at 11:40 PM@bampira
hindi mo na kailangang malaman. *sungit*
@kid
welcome po sa blogging world
Jinjiruks
January 16, 2010 at 2:00 AM