Work. Tama na ang panahon ng pahinga at kailangan mag-isip-isip ulit sa pag-angat ng career. Kagaya nga ng sabi ni Ate Vivs kaya siya lumipat eh, bored masyado sa work at paulit-ulit lang ang ginagawa. Wala daw challenge at nakakainip. I agree with her sa ibang mga punto. Wala naman kasing bago. Ilang taon na rin ako sa company at narinig ko ang heads-up ng isang sup sa kanyang agent. Hanggang kailan ba daw siya dun sa function niya mag-stay. Don't you think it's time for you to grow? Iyon ang natatak sa aking isipan ngayon.
Kaya naman next week, seryoso mode na ako at review sa background ng mga internal jobs na apply ko. Narinig ko rin ang side ni Oliver na gusto niyang lumipat ng LOB dahil medyo stagnant na rin siya dun sa function namin. Plano niya na kumuha ng short IT course para may diploma na siya at dagdag credentials. Sabi ko sa kanya kung pwede lang na mag-aral babalik ako, kaso marami akong pinag-aaral ngayon kaya hindi ako makakilos masyado.
Health. Palagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na magbabawas ako ng taba pero hanggang salita lang ako. Ilang taon na ang lumipas ganito pa rin ako. Mataba na gurangers. Hehe! Kahit papano nababawasan sa jogging every weekends. Disiplinahin ko dapat sarili ko at pilitin kahit mahirap ang pagpapapayat. Ayoko na sa ganitong katawan kahit marami ang nagsasabi na tama lang daw sa akin. Siyempre gusto ko ibalik ang dating katawan ko kagaya nung nasa college palang ako.
Relationship. Hayz, heto nagsisimula na naman ako pumasok sa panibagong relasyon. Kahit papano may natutunan sa mga nakaraan. Kagaya ni Doc Mike, gagawa ako ng rule - "Don't make relations again with your ex". Nadali na kasi diyan ang isa kong friend kaya mahirap na. Trying my best ulit, and sana magtuloy-tuloy na po siya. Wish me luck. Sa tingin ko naman compared sa mga nakaraan, this is the best relationship that i ever had. Mahal niya ako at nararamdaman ko iyon.
Hanggang sa muli!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Realizations
Post a Comment