Eto na naman tayo. Ilang taon ko nang binitiwan ang pagiging textus adiktus. Pero hindi talaga maiiwasan. Lalo na't ngayon, iyon lang ang means of communication namin ng nililigawan ko. Hehe! To the point na umaabot hanggang alas-2 ng umaga kapag weekends o walang pasok at ala-1 naman kapag pauwi palang mula sa shift. Kung dati all-text lang load ko, ngayon naka-unli na ako para tipid. Wala lang, hindi ko nararamdaman ang pagtakbo ng oras pag kausap ko siya kahit sa text lang. Hehe! Hindi naman ako umaasa pero masaya na ako sa ngayon na nagkakausap kami.
Sakto naman na, tuwing pag-uwi ko, saka lang siya na lowbat. Kakainis nga lang kasi nga bawal nga mag-text sa loob ng office at nabibitin ako pag ka-text ko siya tuwing breaktime. Lalo ko siyang nakikilala nang mabuti at nagpapalitan na kami ng mga nasasaloob, mga gusto, mga ayaw. Nagbabata-bataan na naman ang inyong lingkod. Pero pakialam niyo ba. Hehe! Ika nga ni pareng Enrico, "walang gamot sa insecurity"! Hanggang sa muli!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Teks Adik
Post a Comment