72.00H

Saturday.

06.00 Uwian time. Kakapagod na weekend.

07.30 Nakauwi na rin sa amin. Daan NetCafe para sa online updates.

11.00 Dumating sa haus. Nood ng Legend of the Seeker season 2

16.00 Nakatulog nang hawak ang cellphone. Pasensya na sa mga nag-text at hindi nakapag-reply.

18.30 Naalimpungatan. Medyo inaantok. Nakatulog na naman na hindi nasagot ang ibang nag-text. Manonood sana ng balita kaso K.O. na.

Sunday.

02.30 Sobrang haba ng tulog. Bumabawi ang katawan. Halos isang araw kasing gising.

04.00 Naligo. Nagbihis para may jogging. Kainis hiniram ni Pa yung rubber shoes ko kaya tsinelas na lang siguro.

04.45 Jog mode. Napaaga. Hirap pag tsinelas ang gamit. Ang sakit sa paa. Hindi ko na-maximize ang oras dahil sa nananakit na talaga siya.

06.30 Dumaan sa tulay ng San Jose. Pag senti mode dito ako madalas. Though hindi naman ganun kaganda ang tanawin. Sarap ng simoy ng hangin. Mga tao busy sa pagkuha ng kangkong sa ilog. Mga ibon patuloy sa paglipad at hanap ng makakain sa ilog. Daming isda, janitor fish nga lang. Sana malinis na ang ilog bago mahuli ang lahat.

07.00 Nakasalubong si T-rex (John). Usap tungkol kay Angelo pa rin. Pati na rin ang planong ngayong Holy Week. Napagkasunduang punta kina Cyril.

07.30 Dumating kina Cyril. Buti andun siya. Kaunting Net. Nood ng nilalaro ni Cyril. Kaunting usap. Hanggang sa umalis na rin.

08.30 Umuwi na sa amin. Kaunting pahinga. Inaantok nang kaunti.

10.15 Naligo. Nagbihis ulit. Kikitain around 1pm sina Yanah at Mark (blogmate).

11.15 Biyahe mode. Nag-MRT para mapabilis biyahe.

13.15 Nakarating sa MOA. Nauna na si Yanah. Nagkita rin finally. Usap-usap.

14.00 On time dumating si Mark. Kain kaunti. Pinagusapan ang gagawing out of town sa Sagada this coming April. Excited na kami.

15.00 Napagkasunduang pumunta sa haus nina Mark sa Diliman. Sobrang tagal ng bus. Halos natapos na namin ang movie. Kaunting usap at tawanan.

15.30 Dahil may iba pa akong pupuntahan. Nagpaalam kina Yanah at Mark na hindi na muna makakasama. Bumaba sa Megamall para meet berks.

17.00 Nagkita ni Mahal. Basa mode lang sa Powerbooks habang wait SMS nina Jay.

18.30 Sakay ng bus ulit. Traffic as usual. Start na ng PyroMusical sa MOA kaya super traffic. Bumaba nalang.

19.00 Pinanood ang fireworks display. Daming tao. Parang may shooting. Nakipagsiksikan. Nagkita-kita rin sa may IMax. Nakisiksik ulit para mapanood fireworks.

21.00 Natapos rin. Ganda ng PyroMusical. Iyon nga lang mahal ang makapanood nang malapitan. Usap-usap lang along sa seawall sa MOA. Bumili ng snacks sa HyperMarket.

22.30 Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Imbes na mag-taxi. Naglakad pa kami at naligaw kung san ang way papuntang Roxas Blvd. Kakainis kasi dapat tsinelas naman ako nung mga oras na iyon at hindi rubber shoes. Masakit na kasi sa paa. At naka-doble pa ako nun. Kaya pawis na rin. Ewan ko nga ba kung anung trip ginagawa namin.

23.15 Nakarating na rin may CCP area. Pahinga kaunti. Kakapagod talaga. Pinahinga ang pagod na paa. Kaunting usap-usap at bluetooth ng mga tones. Lakad ulit malapit sa Philippine Navy area. Ang unofficial tambayan (mula noong nag Star City nung Pasko). Pahinga mode. Mushy-mushy moment ang mag-couple. Nyahaha! The rest is history and sana hindi green minded.

Monday.

03.15 Kumain sandali sa convenience store. Nagutom.

04.00 Napagpasyahang umuwi na. Cancel ko na ung supposedly meetups sa isang Ebay seller. Hinatid sina Jay sa shuttle. Sakay sa bus kasama si Mahal pauwi na. Pinagiisipan mga next na pupuntahan namin next week. Hehe!

06.30 Nakarating na rin sa amin. Dapat mag-net muna pero sobrang antok na kasi. Nakatulog na.

13.00 Nagising. Nanood ng TV. Naligo.

15.00 Start mag net. Nag blog ngayon na binabasa mo.

2 Reaction(s) :: 72.00H

  1. diary kung diary ito tsong ah... hehehe

  2. oo naman balbon. para san pa at nag blog ka.