Barado

Isang linggo nang barado ang drainage ng banyo sa amin. Kainis talaga. Hindi kasi namin alam kung san parte ang bara. Hindi ko alam anung design ginawa ng engineer na ito sa subdivision at hirap hanapin ng outlet mula sa banyo. Nagtusok na ng alambre pero hindi kakayanin dahil mahaba ang tubo palabas. Sa ngayon sinusubukan nang lagyan ng muriatic acid para matunaw ang bara. Ewan ko, pwede kaya yung liquid sosa na pang lababo naman.

Tuwing maliligo ka nalang kailangan dahan dahan ang pagbuhos kundi tuluyan nang mapupuno siya. Kaya minsan kukuha pa ako ng palanggana para doon maligo. Mukha tuloy akong bagong silang na sanggol na dun pinapaliguan. Buti nalang walang nakakakita. Kakahiya talaga. Hehe!

Kasi ba naman, kung anu-ano ang natatapon siguro sa butas na yan. Pati siguro mga buhok buhok eh naipon dun pati na rin ang mga pinaghugasan (iisa lang kasi sa lababo at sa banyo na tubong dinadaanan). Hayz talaga, next time pag Ok na siya kelangan salain talaga ang pumapasok sa tubo na iyan para hindi na magbara. Paano nalang pag dumating ang isang kagaya ni Ondoy, waterworld na naman ang bahay.

0 Reaction(s) :: Barado