Talagang simula na ng summer season. Bukod pa sa hagupit ng El Nino at Global Warming. Grabeng init ang nararanasan natin ngayon. Sa work pa naman todo jacket sa lamig, dito kulang nalang maghubad ka talaga.
Buti nalang kamo at nasira ang ref at cooler nalang ang ginagamit. Kahit papano nakatipid kami ng halos 1,000 sa kuryente at mahigit 500 nalang ang binabayaran namin. Kaya naman todo abuso sa electric fan. Ako lang kasi ang prinsipe sa bahay at pag restday ko ako ang gumagamit. Yung kapatid kong isa sanay na hindi gumagamit nun.
Eto nag-net kasi hindi makatulog sa init. Nanood ng DVD, hayz basta mga Indie na palabas. Minsan panget at hindi mo maintindihan ang sense. Pero tinapos ko pa rin. Text mode din sa mga ka-text regulars. Mamaya papasok na ako. Sarap nang naka-VL, wala lang na-miss ko lang ang walang ginagawa. Tapos samahan mo pa na parang hurno itong computer shop na napuntahan ko. Inaayos kasi ang shop nung suki kong NetCafe kaya napilitan ako magpunta sa iba. Grabe an pawis ko dito. Kulang nalang may magsindi ng apoy dito at sunog na kaming lahat. Ang init grabe. Sa ngalan ng online life hindi ko gagawin ito.
*Update*
Akala ko naman uulan kanina. Kainis ambon lang. Maski pagpasok super ang init. Wag naman sana na tuloy-tuloy ito hanggang sa May. Ang init grabe. Matutunaw na ang taba ko nito. (sa wakas)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I don't want summer to come just yet. Huwag muna.
But who am I to stop it?
Unknown
February 23, 2010 at 6:49 PMahaha. welcome po sa aking blog. hayz grabe po ang init talaga.
Jinjiruks
February 23, 2010 at 8:57 PMsarap mag halohalo... :D
eMPi
February 24, 2010 at 8:01 AMsinabi mo pa... halos hndi na nga ako angdadamit sa bahay kasi sobrang init.
bunwich
February 24, 2010 at 8:39 AM@balbon
nanginggit ka pa
@bunwich
wahehe. bagay naman sau mag topless nalang. tipid sa damit.
Jinjiruks
February 24, 2010 at 9:14 AM