Work. Weekdays. Walang bago. Nakakapagod pa rin ang work. Maski short break at lunch kulang talaga. Hindi na ako nakakapag-net masyado. Alam ko tapos na ako pondo pero maintain pa rin. Hirap talaga lalo na't iyon nalang palagi ang ginagawa mo. Bawal pa lumipat sa ibang function lalo na't lateral lang siya. Eto nagsisimulang mag-apply ulit sa ibang LOB naman. Laking gulat kasi balik sa support function lalo na't nag-spike na naman volume nila. Buti nalang at nakaalis na ako dun dahil lalo akong ma-stressed-out lang siguro sa taas ng quota.
Work. Officemates. Lang pinagbago. Naging mas seryoso lang ako kaunti. Nakakatamad na kasi ang biruan at usapan minsan.
Berks. Lang update. Text nalang usually. Dunno ano na nangyari kay Angelo. Sana naman Ok siya. Meet lang isang friend last Saturday bago umalis at hindi na magparamdam.
Lablayp. Ganun pa rin. La ring bago. Panay ang sorry kasi palaging walang time. Maski ang usual na tawagan sa lunch break wala muna. Lapit na mag-2 months. Nag-EK kahapon. Nag-enjoy naman kahit papano. Masaya. Kahit basa. Pagod sa biyahe nakatulog.
Hindi napanood ang PBB last Sat. Don't give a damn na rin siguro. Unahin ko pa yan kesa matulog. Nanghinayang naman sa Bottomline. Fave show kasi. Diretsahang tanong. Lalo na dati sa Mom ni Ivler. Interesante.
Movie. Hindi ako nagandahan sa Legion. Masyadong straightforward lang ang story at pakiramdam ko hindi sulit ang pera compared sa Avatar last December. Planning to watch Percy Jackson or Clash of the Titans. Matagal pa naman ang Avatar: The Last Airbender.
Cyberlife. Eto ganun pa rin. Update lang usually ng FB apps. Tingin sa FS, Multiply. Check ng emails. Usuall stuff. Miss ko na maglaro ng WoW ulit. Kelan kaya ako makakabili ng laptop. Asa.
Family. Ganun pa rin sila. Me isyu pa rin sa baradong banyo. Kainis na. Hindi ako pumipirmi sa bahay talaga. La namang gagawin dun. Kaya gala talaga ako.
Self. Eto litong lito sa dami ng emotions na nararadaman ngaun. Hindi maintindihan ang sarili kung anu ba talaga ang gusto. Hindi alam kung may direksyon ba ang buhay. Napapagod na sa buhay minsan. Maraming gustong gawin pero kaunti lang ang time. Hindi pa rin natutupad ang pangako sa sarili. Kailangan mahalin at makilala ko muna sarili ko bago ako magmahal ng iba. Pakiramdam ko wala akong kwentang tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
looking 4rward sa the last airbender, medyo ok naman ang itsura ng mga bending nila sa trailer, pangkaraniwan ang wind, pero ok ang water, medyo maganda ang pagkakagawa, un parin bang usual na napanuod natin sa nick ang ipapakita sa movie? sana iba naman o kaya may twist, tagal ba ng avatar..
Anonymous
February 15, 2010 at 5:57 PMoo naman must see movie talaga yan.
Jinjiruks
February 15, 2010 at 9:33 PM