M02W04

Birthday. Yay! Bertdey week ko. Ayan kahit malayo pa bati na sila nang bati. Parang may maaasahan kayong pakain sa akin ah. Hehe! Thanks nga pala Bathalang Jason para sa Birthday pic ko. Talagang super dami ang nag-react. Pangarap nalang ang ganyang katawan. Hehe! Maraming salamat po sa mga bumati sa akin kahapon. Sa text messages, sa C6 Clan ko sa Uzzap, sa mga officemates ko (ex and current), sa mga blogmates ko, sa FaceBook friends ko (local and foreign), close friends, kay Bhie at sa family ko na rin. Nadagdagan na naman ang edad ko pero hindi ko siya pansin. Age is just a state of mind. Totoo kayang life begins at 40. More success and power sa career (artista).

Work. Next month which is tomorrow. Huhu! Lipat na naman kami (half of us) ng Sup. This will be my 6th na magpapalit ng sup na parang basahan na kami (joke). Jason > Floren > Mimi > Sayms > Sam > Mark. Good luck nalang sa mga bagong agents na kasama. Hehe! Adjustment na naman as usual. Hay buhay! Masarap talaga mag business nalang para hawak mo ang lahat sa palad mo. Kahit papano happy ako sa aking scorecard at sana tuloy-tuloy lang siya ngayon. Daming job openings internally, pinagiisipan palang.

Berks. Walang balita pero nagkakausap thru SMS/FB. Wala pa ring balita kay Angelo. Sana magkita-kita ulit kami. Lalo na this HolyWeek sa may Istampang Bato kung saan nalipat ang Grotto sa taas ng bundok. Malabong makakasama si Cy pero sina Adar and company tentative pa rin at depende nga lang talaga sa mga pwedeng sumama.

DVD movies. Bumili ng DVD movie kapatid ko. Hindi pa niya kasi napapanood Silent Hill. As usual package, mga suspense/thriller/horror ang genre. Napanood ko na yung Descent, indie movie kaya generic ang plot. Hayz ang panget niya, all girl group lang pinagkaiba. Na trapped sa kweba me mga stone age creatures, pinagkakain sila at isa lang natira sa kanila. Then kahapon Room 1408, napanood ko na ito nung taping dati ng 1 versus 100 na show sa ABS-CBN. Natapos na nga namin panoorin ito sa tagal ng pag-aantay. Ok lang, parang twilight zone, hindi rin nakatakas ang bida at forever trapped. Then yung kaninang umaga naman, Black Sheep - akala ko na kung anung palabas iyon. Literal palang tupa. Mutated nga lang at na-infect lahat ng makagat niya lalo na sa tao. Magiging sheep mismo siya plus magiging violent siya. Bago pa iyan yung isang palabas, Dead Silence - about sa isang ventriloquist na si Mary Shaw, akala ko old movie from the 60s pero nung nag-Wiki ako eh last 2007 iyong palabas. At this time dapat ok na ang SFX niya pero ginawang old style ang plot ng movie kagaya ulit sa past gaya ng Child's play. Pero kahit papano, may fear factor at nakakagulat ang ibang scenes at twist sa dulo ng story.

Weder. Grabe super init ng panahon talaga. Mararamdaman mo ang init na papaso sa mukha mo na parang steam mula sa isang takure. Tapos may High Pressure pa kaya hindi makapag-generate ng ulan. Though hindi kami apektado sa napipintong water shortage. Bakit kasi nagpakawala pa ng tubig sa mga major dams, tingnan mo ngayon nasa critical level na siya at tayo naman ang naubusan ngayon. Pati na ang proposed Wawa Dam, bakit hindi pa buhayin. Pulitika talaga. Sana masunog nalang kayo kasama ng panahon natin.

Eleksyon. Hmm. Pinagiisipan ko pa ang mga manok ko sa darating na eleksyon. Hindi pa ako makapili ng Presidente eh at iba pang mga buwaya at trapo sa Kongreso, pati na ang local na pamahalaan. Ewan ko, magbago na kayo. Ilang dekada nang ganito pa rin ang buhay. Walang political will. Dapat sa inyo pagpapatayin kayong lahat nang magtanda kayo.

Last saturday grabe ang antok ko, 20hours akong walang tulog. After work kasi kinita ko pa ang isang EBay seller sa Ayala-MRT then pagkauwi dumaan muna sa Hypermart sa may Quezon Ave-MRT at nagliwaliw doon. Ewan ko pero theraphy ko rin itong dumadaan ako dito at tingin ng mga pagkain. Haha. Kaya ako tumataba eh. Pagkauwi sa amin, kumain saglit. Pasensya na sa mga ka-text ko kung natulugan ko kayo (lagi mo namang ginagawa iyon). 4pm ako nakatulog, hindi ko na napanood ang balita at iba pang palabas. mga 1.30am na ako nagising. Nanood lang ng DVD movie, natulog sandali. Nagising ng 4.50am para mag-jogging. Natapos mga past 7am.

Natulong nang bandang hapon. Nanood ng palabas ulit. Eto by 4pm. Dapat makikipagkita kaso hindi natuloy. Nauwi sa kaunting away. Napagod na nang kaunti. Nakipaghiwalay. Hindi pa sure kung san pupunta ang issue na ito. Kibit balikat lang. Nakipagtext sa iba. Around 5.30pm umalis ng bahay. Punta SM Fairview, unwind kaunti. Meet ibang tao. Usap-usap sa buhay. Umuwi rin by 9pm. Nasayang lang ang oras, kasi walang kwenta ang kasama, no offense sa kanya. Hindi naman niya alam eh. Dapat kina Markotuts nalang ako punta kahit papano may sense kausap. Nakauwi bandang 10.15pm. Puno ang shop, balak sana bumalik after 30mins, kaso nakatulog na.

2 Reaction(s) :: M02W04

  1. bz ah... :D

  2. weekly journal lang yan balbonis!