Kala ko pa naman may magagawa akong accomplishments ngayong weekend. Nung sabado, natulog lang ako buong maghapon. Eto nagusap lang sa SMS nina Cy at Abundio, confirmation lang kung matutuloy ba kami sa Sunday. Nagpunta pa ako mga 10pm sa shop para meet si Abundio at punta kina Cyril. Tyempo naman pagpunta namin. Paalis na si Cyril, akala ko naman wala siyang pasok nung araw na iyon.
Eto nung andun na nag-usap lang kami ni Aling Beth (mom ni Cy) tungkol sa nangyari nung nagpunta si Angelo sa kanla. Buti nalang kamo at gabi nun at walang nakakita daw. Balisang nagpunta si Angelo kina Cy at hindi daw sila nagpang-abot etong si Angelo akala na uuwi na bumalik pa at sinabing me problema ba daw, sabay bato ng kahoy na napulot lang niya. Buti nalang at hindi masyado nasaktan si Aling Beth. Kelangan talaga kausapin na itong si Angelo at hindi palaging nagmumukmok kasi kung anu-ano na ang naiisip niya.
Kinabukasan. Excited ako, kaso medyo namumuo ang kaulapan pero naging medyo naging ok naman pagdating ng tanghali. Ala-una ang usapan pero si Cy nag message sa akin na baka past 1.30 na daw siya makaauwi. Nag-SMS naman ako kay Adar na ganung time. Pero pagdating ng time na yun. Tumawag na naman si Cy at baka around past 3pm pa siya makauwi dahil nga daw nasa Trinoma siya. Hindi na ako nag-mesg kay Abundio at antayin nalang ang text ko. Hayz, nakatulog ako sa pag-aantay at nagising nalang ako ng 4pm. Naka-ilang mesg a si Adar na sa akin. Nadala na siya siguro sa akin.
Alanganin na rin at aalis na siya bandang 5pm sa aparment na tuluyan niya. As usual hindi na naman natuloy ang balak namin at eto napilitan nalang magpunta kina Cyril para tingnan mga nilalaro niya at mga gadgets niya. Wala na namang nangyari ngayong weekends. Nakaka-frustrate lang kasi. Pag planado talaga hindi natutuloy. Mabuti pa ang biglaan. Kainis.
Nung kinabagihan naman, nag net kaunti bago umuwi sa bahay. Kaka-lungkot lang mga nabasa kong mga pangyayari sa net. Yung idol kong couple na almost 6 years na sila. Naghiwalay na. Naalala ko lang ang nangyari sa isa ko ring friend na ganun. Nagkabalikan pero may lamat na at hindi na kagaya ng dati. Ayoko talaga makakita ng ganung eksena, apektado ako masyado. Nalulungkot ako. Forever would only lasted for a day ika nga sa kanta. Akala ko pa naman perfect na ang relasyon nila. Sana lang maging Ok na sila sa isat-isa at makapag-moveon na. At saka sa isang taong paglalasing lang ginagawa dahil hindi makapag-moveon. Loser ka. Kilala mo na kung sino ka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hello... anong number ni yanah? pm mo sa kin... chase.me123.
thanks
eMPi
February 8, 2010 at 1:11 PMthink positive. makakapagmove on din ang mga tao!
wanderingcommuter
February 8, 2010 at 2:20 PMparang ako yata ung naglalasing lagi ah. :-)
I hope OK lang sayo, I added your link under my "Recommended Reads". Ganda kasi ng mga post mo eh.
Menthos
Talkingnon-sense.blogspot.com
Menthos
February 8, 2010 at 7:06 PM@marco
geh po mesg kita
@ewic
waa.. welcome po ulit sa blog ko
@menthos
salamat po at nasama ako sa non sense links mo. wahehe. add rin po kita.
Jinjiruks
February 8, 2010 at 8:54 PMUnknown
February 9, 2010 at 10:31 PMParang ako yata nilasing ng isang araw... d ko kalain ganun ka tindi ang pina ininom natama sakin.. hehhee
Unknown
February 9, 2010 at 10:33 PMbaka nga ikaw.
Jinjiruks
February 24, 2010 at 9:25 AM