Ilang araw na lang kaarawan ko na. Though hindi talaga ako nag-celebrate eh. Naka-birthday leave naman ako bago ang araw na iyon. Bakit nga ba ganun pag birthday mo gusto mo mag-absent sa work. Anyways, wala pa akong plano talaga kung anung gagawin ko sa araw na iyon. Supposedly Potipot Island pero dahil nga wala naman akong kasama at ma-OP lang ako sa mga barkads ni Iyam, hindi na ako tutuloy.
Been texting some of my new pwens, mga blogmates kong sina Chow Marco at Yanah-hiyala. Mukha naman silang mababait at makulit. Marami na kaming mga plano sa out of town since theraphy rin nila iyon pag sobrang burnt-out sa work/buhay. Sana lang matuloy ang biyaheng Norte naman like Sagada at Baguio. Excited na ako to meet them this week.
Blog reads. Hmm. Kulitan lang ako sa blog nina Siopao/Bunwich. Naaliw ako kung paano siya magkwento. Hindi kakatamad kagaya ng mga entries ko. Kahit seryoso sisingitan ng katatawanan. Welcome na rin to the blogosphere, bespren Jay. Sana hindi ka tamarin mag-update sa blog mo. Pag may time ako aayusin natin yang templates mo.
Ilang araw na lang, tatanda na naman ako. Sabagay mukha na naman akong matanda talaga, kahit mag-28 palang halos doble na ang itsura ko. Siguro dahil na rin sa stress at iba't ibang problema na dumarating. Kaya siguro nagkaka-pimples na naman ako dahil diyan. Ang hirap-hirap magpaka-tao talaga, napaka-kumplikado. Bawat galaw mo nalang merong nakatapat na consequences. Masarap bumalik sa pagkabata. Walang problema at iniisip. Buti pa sila. Hayz.
Kakapagod na talaga. Pakiramdam ko hindi ko alam kung anu ba talaga ang purpose ko dito sa mundo. Aside sa pagiging slave/border sa family. Joke! Wala na akong naiiisip na silbi ko. Joker sa tropa at officemates. Iyon lang. Pagkatapos nun, wala na. Ewan ko, kelangan siguro kilalanin ko pa sarili ko. Mas mahalin ko pa. Para ma-share ko sa iba. Depressed na namn ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: T-9 days and counting..
Post a Comment