Wokaton

Kagabi galing ako sa haus ng aking baby. Cute ng bahay nila kahit maliit lang, maraming mga palamuti sa bahay pati na ang mini aquarium nila. Bonding lang kasama mga pinsan niya. Mga 7pm umuwi na rin ako at tinahak ang EDSA. Ewan ko anung trip ko kung bakit naglakad ako mula EDSA shrine hanggang sa MRT-Santolan. Akala ko malapit lang, grabe ang layo pala. Medyo nagsisimula na akong pawisan. Buti nalang at malakas ang hangin at napawi rin siya. Sobrang kaartehan ng inyong linkod at namimili talaga ng bus na masasakyan.

Past 8pm na ako nakasakay. May mini eksena pa ang mag-jowa na nag PDA bago sumakay ng bus ang guy. Syempre lahat tinginan. Mamatay kayo sa inggit, iyon siguro ang nasa isip nila nung oras na iyon. Around 10pm na ako nakauwi, sobrang latang-lata ako sa pagod. Nag-text muna kay baby at sa ibang friends na nasa haus na ako. Tinapos muna ang PBB then nakatulog na nang hindi namamalayan.

Kinaumagahan, naalimpungatan bandang 3am. Akala ko blackout, kasi ung nagiisang ilaw na nakasindi eh papatay-patay. Lumingon ako sa labas at hindi naman. Akala ko tuloy may nagmumulto kaya kinabahan ako. Iyon pala eh malapit nang mapundi ang ilaw. Hindi na ako nakatulog nung mga oras na iyon. Inantay ko nalang sumapit ang ika-5 ng umaga. Balak ko sana mag-jogging kaso hindi ko na tinuloy, bagkus eh napag-desisyonnan ko nalang na mag-punta sa tulay tutal ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw dun pag umaga.

Ayun nagsimula na akong maglakad. Sobrang lamig pero buti nalang at makapal ang balat ko kaya ok lang. Marami-rami narin ang tao sa kalsada, usually mga 6am na shift siguro mga ito at iba naman mga estudyante. Mga ilang minuto rin ang lumipas napadaan ako sa aming Town Center, at ang mga ginagawa naman sa kabilang side naman. Malaki na talaga pinagbago ng lugar namin. Dati sobrang tahimik at walang progreso. Ngayon unti-unting naskikisabay sa siya sa pagbabago.

Maya-maya pa nakarating na ako sa tulay. Abala ung malaking tubo na nilagay sa kanan ng tulay, para sa baha siguro. Tumawid ako sa kaliwang bahagi at nagmuni-muni muna. Hindi kaaya-aya ang aking namasdan sa aming ilog. Mula nang tinirahan siya sa ibaba. Naging madumi na siya at maraming isda na ang namatay. Pati ang latak ng semento, umabot na rin sa tubig sa kanan tapos sa kaliwa naman tubig mula sa sewer, nangingitim na. Huwag naman sana umabot sa puntong maging Ilog Pasig na ang sa amin.

Umalis na rin ako bigla dahil hindi maganda ang tanawin na nakita ko at hindi narin masyadong mahangin. Bumili lang sa mini-stop ng makakain. Then nakarating na sa bahay. Kakapagod talaga maglakad pero sulit naman. Kahit papano kaunting cardio. Mamaya pasukan na naman.

0 Reaction(s) :: Wokaton