Mula ngayon pag wala akong maisip na title, gagawing ganitong format nalang ang gagawin kong post plus samahan pa ng wallpost na kagaya sa FB. Paano ba naman kasi halo-halo na ang pumapasok sa isip ko, hindi lang dahil tag-init kundi wala talagang matinong isang idea na maisip. Parang ang gulo ng sinabi ko ah.
Saturday 11.30. Nakauwi na sa haus. Salamat Dan at Elias sa bonding time po. Kahit medyo hindi tayo nakapag-usap nang matagal. Dan may utang ka pa sa akin ah. Elias, ei nabasa ko ang post mo kanina lang (Monday morning), sorry to hear that. Huhu! Sayang ang cellphone at mga gamit mo. Nung una na-guilty ako kasi akala ko nangyari iyon nung umuwi tayo. Iyon pala kinabukasan na nun.
Sunday 6.30. Kainis hindi ako nagising nang maaga. Hindi na naman ako nakapag-jogging, siguro sa pagod mula nung kinagabihan.
09.00. Nag-net as usual. Updates dito at diyan.
12.00. Umalis sa haus. Whew ang init ah nasa biyahe ako. Effort talaga. Syempre inantay ko munang maging malilim bago lumabas.
03.00. Nakarating sa Trinoma para meet si Tuks. Mas nauna pa pala siya dumating. Nakakahiya naman sa kanya. Hehe! Dumaan muna ako sa Sandugo para bumili ng gears. Then saka kinita si Tukas. Kumain din saglit. Usap kaunti sa work niya kasama ang mga kimchi.
04.40. Ginamit ang movie ticket na napanalunan sa raffle. Watch ng Alice in Wonderland. Though maganda ang story at animation. Medyo nabitin talaga ako at nakulangan parang there is something na meron muna in between bago natapos ang movie. Rating 3/5 stars.
06.00. Kumain ulit. Usap again ni Tuks. Bili ng book. The Phoenix Guards, hmm ewan ko kung ma-appreciate ko ba ang Alexander Dumas style of writing ng author.
08.00. Nagpaalam kay Tuks. Sumakay na ng MRT para kitain naman ibang berks sa MOA. Medyo nakakapagod. Ang tagal bago nakasakay. Pagdating sa Taft nakita ko na yung iba sa kanila.
09.30. Magsasara na ang mall. Tapos na ang pyro. Naghanap na ng makakain. Medyo napagod kakahanap ng pwesto. Nagrereklamo na rin ang iba. Napagpasyahan na sa Lydia's lechon nalang kumain. Nakakahiya kay Kuya Leon dahil sinagot na niya yung food ng lahat. Kaunting usap-usap.
11.30 Umuwi na ang iba dahil me pasok pa. Natira ang kami-kami lang. Kaunting tambay sa seawall. Nabawasan na naman kami ng isa nang napagpasyahan ng isa na umuwi na rin dahil may pasok pa sa school.
Monday. 01.00. Nasa aming teritoryo na. Ang tinatawag naming "damuhan". Sa CCP grounds, kung saan lalatag lang ng kumot at pahinga ng kaunti. Usap-usap sa buhay. Mga balita na kay ganito at ganyan. Mga plano ng grupo kung saan pupunta. Yung iba nakakatulog na. Yung iba naman sight-seeing sa anyo ng Maynila at mga taong dumaraan.
04.30 Humabol pa isa naming kasama. Pero pauwi na rin kami kaya saglit lang nakapag-usap. Sabay nang umuwi papuntang EDSA at nagkanya-kanya na.
05.00. Bilis ng biyahe ng bus. Natatapon ang kape na hawak ko. Nakakainis.
06.15. Nakarating sa Terminal ng jeep. Punuan.
07.00. Mabilis naman ang biyahe. Nakauwi rin. Nag-text sa mga kasama na nakauwi na ako. Paguwi, paantok. Tapos nakatulog na.
13.30. Nagising. Text-text muna. Nood palabas sa TV.
14.00. Net ulit. Then by 17.00 prepare sa work. Bago umalis, nanood muna ng balita sa pagkapanalo ni Pacman kay Clotty. Nakarating sa office before 21.00.
Tuesday. 01.00. Blog mode. Lunch break. Hindi na naman kumain. Hunger strike ata. Salamat nga pala sa mga ka-text ko kanina habang nasa biyahe. Salamat Jay, Abhie, Alfred, Marko at Yanah.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
unang pagbisita...
Admin
March 16, 2010 at 8:03 AMang alin?
Jinjiruks
March 16, 2010 at 9:25 PM