Mga 4 taon na rin ang nakakaraan mula nang umalis ako sa GamePal. Nakaka-miss lang ang bonding ng mga co-gamers. Same interest at hobby pagsamahin ba naman sa isang company, masaya talaga nung panahon na iyon. Hindi mo ramdam ang pressure kagaya sa isang conventional na company, kasi masaya ka sa ginagawa mo at passion mo ang gaming.
Namiss ko ang mainit na environment, pagtabi-tabihin ba naman ang mga PC at hindi gaano malaki ang room. San ka pa. Parang hurno mismo ang room. Pawisan sa loob at paglabas mo naman, laking ginhawa.
Pati na ang mga ere at mayayabang na TL nung panahon na iyon, palibhasa kasi merong experience na sila at halos lahat galing sa former firm na nawala na rin. Pero Ok lang, hindi naman kailangan pansinin, natural na sa kanila siguro iyon. Si Sunny Pig Joshua. Si Rod na masungit at asim ng simangot. Si Tim na superbait at idol talaga. Si Marky na hindi mo ba alam kung ano ba talaga siya (peace!). Sila kasi madalas na nakikita ko, yung iba kilala niyo na sarili nyo kung sino kayo.
Medyo late na nang makilala ko sina Sir Dale at Jae (as a blogger). Eh di sana malakas ako sa loob at ka-buddy pag kakain or pag sa uwian. Naaalala ko pa dati nang mabigyan ako ng memo ni Jae dahil sa nakaka-ilang late na ako sa isang buwan. Paano kasi, ang arte-arte ko nun - inaantay ko palagi magbukas ang MRT at hindi ako sanay na mag-bus that time. Kaya eto palaging nale-late sa work. Andun silang dalawa nakakulong sa isang sulok ng room, parang ward. Pwede mong silipin lang thru small gap sa mirror.
Syempre lalo kong miss ang mga fellow gamers ko dun. Na kasabayan ko sa pagkain, pag-uwi at mga kalakohan. Si Zander, na sobrang kulit sa pangagaya kay Eric Smith lalo na ang BoomTarat na yan; paano kaya manligaw ito - curious lang talaga ako. Si Orbe (Eric), isa sa mga pinakatahimik at mabait na taong nakilala ko. Araw-araw makikita mo siyang nakangiti palagi pag may kausap. Sobrang tahimik din niya na hindi iimik pag hindi mo kakausapin. Hope to see you soon pare. Si Mark, partner ni Zander sa mga biruan. Makulit rin ito minsan, lalo na yung gesture niya pag tumatawa, hindi mo alam kung nagaasim o hindi. Si Toning, sa simula hindi ko masyado kilala ito pero simula nang maging blogger siya ayun mas kilala ko na at maraming kalokohan din pala sa buhay. Si Rolly, na laging pinapansin ang tiyan ni Zander. Sina England, Ochi atbp.
Ilan lamang yan sa mga taong natatandaan ko pa na nakasama ko sa kumpanya bago ito nagsara. Ang iba me contact pa ako, ang iba san na kaya sila napadpad. Salamat po sa memories. Miss ko na ang bonding moments natin guys.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nabigyan pala kita ng memo nun. hehehe
Icey
March 26, 2010 at 5:18 PMoo. team sunny pig joshua ako. hindi ko malilimutan yun. february iyon!
Jinjiruks
March 26, 2010 at 9:15 PM