Bisita sa Wawa


The Pamitinan Protected Landscape is located in the Eastern portion of Montalban (Rodriguez) Rizal in Sitio Wawa, Brgy. San Rafael covering an area of 608.0 hectares. It lies within geographical coordinates of 121°10’45” to 121°11’50” east longitude and 14°43’14” to 14°44’5” north latitude and bounded by alienable and disposable land. The Pamitinan Protected Landscape is covered by Presidential Proclamation No. 901 dated October 10, 1996. The area is accessible to any kind of land transport passing thru the center of Marikina City, San Mateo and Montalban. It can be reach thru a rough road from Brgy. San Rafael, approximately 10 kms. from the town proper.

Kahapon nagpunta sa Wawa Dam, bumisita lang. Kahit papano wala paring nagbago matapos ang bagyong Ondoy nung nakaraang taon. Buti nilagyan na rin ng fence ang gilid ng daraanan dahil nga bangin siya at matarik, pero nilubos-lubos na sana sa buong lugar. Pati yung malalim na tunnel (or flood control gate dati), sana hinarangan pa, parang open manhole kasi at tiyak hindi makakawala ang sinumang mahulog dun.

Hindi talaga maganda pag peak season pumunta dun, ang daming ginawang bamboo cottage na parang squatter na ang itsura ng lugar. Mula sa baba hanggang sa paakyat ng ilog. Pag nagpunta kami dun kasama mga tropa, pwesto agad kami malapit sa baba ng dam mismo. Tuwang tuwa ang mga bata na tumatalon sa dam reservoir, hindi alintana ang panganib ng tetanus na nakaambang lang sa gilid ng dam. Kakainggit kasi hindi pa naman ako marunong lumangoy at eto sila nagkakasiyahan pa.

Kumuha lang ako ng mga pictures, mula nang pagtapak ko sa Wawa (officially named Pamitinan Resered Area). Namangha pa rin ako sa kagandahan ng kabundukan nito. Lalo na ang twin mountains na sumisimbolo sa official seal ng aming bayan. Sandali lang ako tumambay at kumuha ng mga pictures sa lugar na iyon. Sabi ko sa sarili ko, babalikan kita pag off-peak season para mamalas ko ang natural na ganda mo kagaya ng nakikita ko na naka-publish sa isang buwanang magazine ng aming bayan.

Pagkauwi medyo inabutan pa ako ng pag-uulan, mabuti nalang at sandali lamang iyon. Sumakay na rin ng jeep habang minamalas ang daloy ng ilog paibaba sa mga kabayanan. Sana nga ay matuloy ang matagal nang plano na gawing tourist destination ang lugar na ito dahil talaga namang maipagmamalaki ito ng mga taga Montalban. Umuwi ako sa amin na hapong-hapo mula sa biyahe pero masaya dahil kahit papano nakapunta ulit ako sa Wawa.

4 Reaction(s) :: Bisita sa Wawa

  1. i miss Wawa! Noon tuwing summer, kapag tight ang budget para sa summer outing dyan kami nagpupunta. hehe.

  2. makapunta nga minsan. (:

  3. alang pityur?

  4. @eben/elias
    geh po minsan punta kayo ah. sabayan na rin sa avilon

    @yanah
    aww nasa phone pa po eh. nde ko pa upload!