March na. Bagong araw. Bagong buwan. Bagong sup. Bagong teammates. Pero la pa rin nagbabago sa akin. Tapos na ang birthday. Back to reality again.
Eto nakaharap na naman sa monitor. Kinakarir ulit ang CastleAge. Last na naman ito, ayoko mag-fail kaya todo hataw ang pag-spam to the point na temporarily na suspend ang account ko dahil dun. 43+ hours na lang matatapos na ang lahat. Less than 1/10 ang life. Pakiramdam ko ngayong araw matatapos ko na siya at bukas kukunin ko na ang spoils of war.
Kanina pang kausap sa YM si Balbon, hehe. Na praning sa tsunami. Nag sorry naman ako. Kay Yansky, kaya mo yan. Umbagin natin yang nagpapagulo sa isip mo. Baka mamaya iidlip siguro bago pumasok. Nood ng palabas ulit. Kahapon pinanood ko naman "From Beyond", hayz mga 80s film talaga, natatawa nalang ako sa SFX na ginagamit at walang sense na story. Isipin mo higupin ba naman ang utak mula sa mata. Sarap ng cerebro-spinal fluid. haha!
Mamaya papasok na naman. Hayz, kakatamad na magtrabaho. Walang motivation. Walang pagbabago. Hanggang sa muli.
Paguwi sa bahay. Nanood ng DVD ulit. Usual collection parin, parang panata ko na atang tapusin ito ah. Kanina "Virus Undead" ang title ng palabas. Hayz, as expected - hindi siya maganda, usual humans-get-infected-by-a-virus-and-heroes-trapped-in-a-mansion thing. Kakasawa na mga ganito. Maski effects, horrible. Tinapos ko nalang nga para kahit papano alam ko ang ending.
Maagang pumasok. Around 8pm sakto, nasa office na. Bagong seat plan na naman. Bagong katabi. Adjust. Adjust. Adjust. Iyon lang ang masasabi ko ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
oist... wag tamarin! hehehe!
eMPi
March 1, 2010 at 1:07 PMjoke lang po balbon.
Jinjiruks
March 1, 2010 at 8:42 PM