Tema ng buong linggo. Tea. At puro tea nalang sa buong gabing shift ko. Ewan ko ba. Naadik ako sa Green Leaf tea na HoneyLychee, Gary V. kasi eh. Masarap naman kasi, kaya nga lang kagaya ng nabasa ko sa isang review, hindi man lang naka-indicate yung sugar content. Alam naman nating lahat ang mga benefits ng green tea. Pero siyempre samahan pa rin ng excercise at right diet. Sa ngayon Lipton RedTea naman ang napag-tripan ko. Teaboi na nga tawag sa akin.
Walang katapusang tulong na naman sa kapitbahay na team dahil bagsak na naman ang service level nila. Ok lang pero minsan nakakaumay na kasi ang sobrang pagaantay ng matagal at medyo mabagal pa ang system. Wawa naman ako downward trending ang prod, buti ang quality consistent pa rin.
Hindi pa rin malinaw kung matutuloy ba ang IstampangBato sa HolyWeek ng tropa. Wala kasing nakakaalam sa amin kung paano ang pagpunta dun eh. Si Angelo buti nagparamdam na rin. Nag-sorry daw kay Cyril. Hindi ko pa naririnig ang buong story. Pero magandang balita iyon.
Medyo natamad mag-text ngayong panahon na sobrang init. Medyo walang direksyon ngayon at tuliro sa dami ng iniisip. Please bear with me kung hindi ako nakakapagreply sa inyo minsan. Nasa harapan ko na ang phone pero wala akong effort magreply sa SMS niyo.
Medyo kulang sa tulog palagi ngayong linggo. Syempre sisihin ko sarili ko dahil adik ako sa FB, to the point na tanghaling tapat na, andun pa rin ako sa shop. Hayz, kelan mawawala itong addiction kong ito. Isa sa mga factor siguro kung bakit bumaba ang prod sa work. Antukin masyado. Tapos super lamig pa kahit naka-hoodie na ako, pipikit-pikit pa rin.
Salamat nga pala kay Mark (blogger/officemate) sa pag-burn nya ng copy ng The Secret sa akin, kahit papano na-shift sa positive thinking ngayon. Optimistic. Hopeful!
Excited na ako mamayang gabi, magkikita kami ni Yas at Dan (blogmates), last na meet pa ata namin eh nung AkoMismo event sa TheFort last year. Sana marami kaming mapagusapan at mas lalong bonded (pandikit?). Iyon nga lang sana maganda ang panahon at malamig. Tapos sa Sunday naman yung ka-clanmate ko naman sa Uzzap. Sana makahabol ako, meron pa kasing ibang personal business.
I want to meet: Zak Yuson, Si KoolKidEco ng 5 and Up (circa 1992, sigh matanda na talaga ako), ang bibong inglisero na pamangkin ni Madam Cheche Lazaro. Musta na kaya siya, anu na kaya balita sa kanya. Hehe! Wala lang na-curious lang ako sa ginagawa niya ngayon, officer siya sa isang sponsored project ng ADMU - Pathways for Higher Education (correct me if i'm wrong). Wala lang, akala ko dun nagtatapos sa show ang pagtulong niya sa mga bata, maski nawala na ang show patuloy pa rin siya sa mga projects, hanga ako sa kanya. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataan ngayon. Inuuna ang kapakanan ng mga hindi makapag-aral kesa sa sarili. Saludo ako sa iyo kaya gusto kitang makausap at marinig ang iba mo pang mga kwento.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Salamat Jinjiruks!
Zak
March 25, 2010 at 9:33 PMi never thought that you would bother to reply my post. waaa, hiya naman ako. thanks sir zak!
Jinjiruks
October 29, 2011 at 7:24 PM