Pers Tardiness

Kakalipat lang sa bagong team. Eto agad buena-mano. Late. Buti kung nasa grace period. Kaso hindi. Hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil nasa usual time naman ako umalis na may 15mins pang allowance pagdating sa office.

Merong ginagawang kalsada kasi sa Litex Road kaya sobrang traffic. Kung bakit sinisira ang kalsada samantalang wala pa naman palang materials para dito. Abala lang sa mga pasahero. Samahan mo pa na walang disiplinang mga drayber na hindi nagbibigayan sa daan. Lahat gustong mag-unahan. Ayan nangyari sobrang haba at buhol-buhol ang trapiko. Ewan. Parang pulitiko. Kaya hindi umuunlad ang bansa.

Imbes na magwala ako at magiingay sa inis. Kinalma ko nalang ang sarili ko, at tanggapin nalang sa sarili na talagang late na ako. Parang dahon na handang sumabay sa agos ng ilog. Kalma-kalma lang. Nag-text sa kasama na pa-inform nalang na late akong darating sa office. Hayz, bawas na naman sa sahod at scorecard. Next time, anticipate ko na talaga na may ganitong mangyayari. Kahit 3 oras ang biyahe ko, aagahan ko pa rin. Nakakapagod na ang ganito.

5 Reaction(s) :: Pers Tardiness

  1. ayaw pa kasi lumipat ng makati, di kami ganyan dito sa makati!
    hehehehe...

  2. wahaha. makati. wala nga akong kasama.

  3. bumukod na kasi.... naghahanap pa ng kasama e.

  4. ok.. hindi ko sasabihing.. dapat handa ka sa lahat ng aberya na pwedeng mangyari... hindi ko rin sasabihin na dapat eh inaanticipate mo na ang mga ganyang klase ng pangyayari at outcome.. (parang un lang din ung sinabi ko nung una noh? adikk!)

    at dahil wala naman talaga akong sasabihin dahil sa upating PAGKA-LATE ito.. tama na tong walang wentang komento na to..

    adios!

  5. @marco
    oo kelangan ko ng kasama

    @yanah
    haha. para may masabi lang mani.