3 hours for 3 days

Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Hindi ko alam bakit ganun ang setup ng body clock ko ngayon. Simula pa ito ng Martes at hanggang ngayons Huwebes.

Sobrang init ng panahon na hindi ka na nakakatulog. Kahit pa itutok mo ang electric fan sa iyo eh mainit rin ang buga nito sa iyo kaya pagpapawisan ka rin.

Sobrang ingay sa bahay. Alam naman nilang natutulog ako. Todo todo ng volume kung manood ng noontime show. Tapos tatabi pa sa akin kaya nagigising ako. Ilang beses ko nang sinasabihan sila pero ang tigas ng ulo.

Kaya pagdating sa office, ayan - nasaniban na ako ng esfiritu ng antok. Bigla nalang akong tatahimik at hindi ko namamalayan naka-idlip na ako ng ilang segundo pero nagigising pa rin ako. Tapos yung pag headbang na parang rakista, bigla nalang mag jerk sa keyboard kaya napapansin.

Di bale, bukas naman ng umaga ang simula ng aking mahabang bakasyon. Woot! Enjoy ko nalang at makapag unwind sa isla nina pareng Jay kasama ang ibang tropa. Excited na ako, iyon nga lang medyo makulimlim nitong nagdaang mga araw. Sana lang hindi sumabay ang ulan sa lakad namin.

2 Reaction(s) :: 3 hours for 3 days

  1. Enjoy!

  2. thanks po!