M04W01

April na. Start na ng tunay na tag-init. Lalo pa nating mararamdaman ang hagupit ng El Nino.

Though hindi kagaya ng inaasahan ko na kahit hindi natuloy ang Wawa Dam, ok na rin at nakapag bonding sa mga kababata ko, ilang araw din akong tambay kina Angelo at naglalaro sa shop niya, kasama na rin ang ibang mga kaibigan. Ayun food trip minsan at kwentuhan. Kahit papano naging masaya naman ako at nakausap ko ulit sila. Sana nga yung iba dumalaw-dalaw rin minsan dito. Para kahit papano matulungan si Angelo maka-recover sa lahat ng aspect.

Hindi ko alam kung lalo bang dumagdag ang timbang ko, pero puro gulay, pakwan at singkamas lang kaya halos ang pinagkakain ko ngayong Lenten season. Halos puro DVD movie marathon lang kami sa bahay. Puro Will Smith, Johnny Depp at Harrison Ford na movies. Nakakapagpahinga naman ang TV kahit papano.

Sa Monday back to reality na naman. Work. Lalo na't updated na naman ang job aid namin at dagdag ingat na naman ako na magkaroon ng audit. After nitong mga bakasyon hanggang May. Seryoso mode na ako at planuhin na ang karera ko. Binigyan ko ng 1 year career plan ang sarili ko. Depende na sa akin kung saang daan ako patungo base na rin sa mga actions na gagawin ko. Wish me luck.

0 Reaction(s) :: M04W01