08.22 WallPost

Sunday morning. Tinanghali ng gising, bumabawi sa 10 hours na OT sa support function, idagdag sa 18 hours of work sa office and 25 hours nang gising mula pa kahapon. Huling beses ko nang gagawin ang ganun sa ngalan ng serbisyo totoo. Amf!. Natulog lang saglit then by 9pm kagabi nag-net, kaunting updates lang sa FB and other social networks.

Nang makauwi, naabutan ko pa sa TV5 ang Top Gun. Akalain mo kahit luma na ang movie eh malinaw pa rin ang kopya niya. Ang bata pa ni Tom Cruise at Kurt Russel sa film. Brings back the good old memories.

Kausap sa YM mga expat friends and collegemates. Lalo na si Joseph, pinagusapan buhay-buhay. Nanghingi ng mga advice and tips na rin sa buhay sa ibang bansa. Mga adventures, frustrations at iba pang mga concerns. Kausap din si Miko na nasa Dubai pa rin pala hanggang ngayon.

Next week na ang team building sa Fontana Leisure Park sa Pampanga. Hindi pa sure kung lahat makakasama. Pero ok na lahat ng preparations at meron nang Plan B kung sakali na hindi masunod ang first plan.Sana maging happy ang team sa last team building kasama sina Ate Anna, Kuya Vic and AnnKor including Sir Marc na rin.

Hayz, malapit na akong dumaan sa intersection ng aking buhay, kagaya ng Noynoy, sang daan kaya ako patahak ngayon. Sa stable, monotonous way o sa unknown/new chapter of my life path.. Bahala na si Batman!

2 Reaction(s) :: 08.22 WallPost

  1. gusto ko sanang i-congrats ka dahil bago ang template mo... PERO... mahirap magbasa kuya ehehehe.. masakit much sa beautiful eyes ko. ahihihi

    maaring malabo pa sa ngayon apra sayo kung align daan dapat ang iyong tahakin... pero kapit lang.. somewhere..somehow, lilinaw din ang lahat.. makikita mo na alng sarili mo tumutumbok sa tamang landas.. (naks)

  2. sadya iyon para hindi na sila magbasa pa ng ilalagay ko.