Fare thee well Vic Eigenmann and AnnKorn

Kuya Vic, isa sa mga Eigenmann Brothers (fathers daw sabi nila, Mark Gil and Eddie de Mesa pero hindi kami papayag at Ryan and Geoff pa rin kami), pag andyan si Vic hindi mawawala ang tawanan. Game siya sa lahat ng bagay at hindi tanggero. Sa simula akala ko seryoso itong senior citizen na ito pero kwela rin pala. Lalo na ngayon at katabi pa siya ni Edz at ni Wendell, puro halakhak ni Edz ang naririnig ko na parang nakikiliti palagi. Paniguradong tatahimik na ang grupo sa pag-alis mo sa team. Mami-miss ka namin. Hindi na buo ang Eigenmann at malulungkot na si Jaime Fabregas niyan. Salamat sa tawa kuya.





Unti-unting nawawala mga anak ni Kuya Vic sa team, una si Ellen, then si AnnKorn naman. Mawalan na ng kalaro si Sally niyan. Mas nakilala ko si Ann mula nang magkatabi kami at nagkwekwentuhan. Salamat sa mga Fontana giveaways. Hakhak! Pero minsan sensitive rin siya at kelangan maingat ka sa mga sasabihin mo sa kanya. Pwede kang hindi pansinin nang ilang weeks pero nagkakabati rin sa huli. Pinaka-pranka sa team at mami-miss namin ang iyong mga sigaw sa tuwing may meeting. Good luck sa pag transfer sa ibang team.

0 Reaction(s) :: Fare thee well Vic Eigenmann and AnnKorn