Cleaning up

Ilang araw na lang at appointment date ko na for Passport renewal. Kanina kampante akong nasa folder lang iyon sa taas ng aparador namin. Nagulat na lang ako nang may nagligpit pala nito at nilagay sa kahon-kahon na box sa taas namin. Sinimulan ko na ang paghahanap at paglilinis na rin ng mga basura sa bawat box.

Kahit medyo allergic ako sa dust, kelangan makita ko ang passport ko. Pinaghiwa-hiwalay ko na ang ibang libro na pwede pang magamit at ang scraps of paper at workbook sa plastic bag na eventually itatapon na. Kahit pa sabihing prinsipe ako sa amin [palautos], pag sinipag-sipag ako maglinis eh tuloy tuloy na siya at nahahawa pa sila na maglinis rin.

Nahanap ko rin ang nawawalang passport pati na rin ang certificate of eligiblity ko sa Civil Service. Maingat na tinago sa isang folder at naka-ready na ako for renewal. Yay!

2 Reaction(s) :: Cleaning up

  1. naks.. meron pang linisin dito hahaha

  2. para may maisulat lang mami! hehe!