Para kay J

Sa iyo,

Pasensya ka na at kailangan humantong sa ganito ang lahat. Hindi ikaw ang nagkulang kundi ako. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko mabalik ang binibigay mo sa akin. Naging totoo ako sa iyo sa unang buwan, pero sa paglipas ng mga araw na naging buwan, nakita ko paunti-unti ang matagal ko nang problema at nangyayari na naman iyon at sa kasamaang palad at ikaw ang nasampolan nito. Siguro nga tama yung isa nating kaibigan na, wag muna ako makipag relasyon kung ganito lang ang nangyayari at sayang ang love, time at effort sa process.

Hindi ako umaasa na mababalik pa itong ugnayan natin gaya nang magkakilala palang tayo sa simula. Hindi ko alam kung mabubuo pa ba ang samahan sa kabila ng mga pangyayari. Hindi ko na kailangan i-detalye pa ang chain of events that lead on what we have right now. Pero sana maging magkaibigan pa rin tayo sa kabila ng lahat, hindi man ngayon pero sa takdang panahon kung saan nakapaghilom na ang sugat na ginawa ko sa iyo. Ingat ka palagi at 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Nauulit lang ang nangyayari ng pagkakamali ng nakalipas.

7 Reaction(s) :: Para kay J

  1. sad..

    but it will all soon be better in time..

  2. kuya..

    nasabi ko na sa fb... nakita mo na dun ung reaksyon ko..
    hayssss..
    :(
    i just wished youre both ok..

    *hugs*

    ulitin ko lang...

    "dont go chasin the sun unless youre really sure that you wanted to hold it in the palm of your hands"

  3. thanks po sa pag comfort, hayz ganun talaga ang buhay, nasabi ko na ang kailangan kong sabihin. tuloy pa rin ang buhay..

  4. kakatext mo lang sakin kanina kaya after ng clas ko eh hinanap ko agad itong "para kay j" mo...


    "Pero sana maging magkaibigan pa rin tayo sa kabila ng lahat"

    Anthony: malabo yan, sa mga pelikula lang nangyayari yan, o kaya sa mga pocketbook, pero forgive and forget, uhm mababa ang probability sa mundo...

  5. umaasa pa rin ako kahit maliit toning, wag ka ngang bitter dyan!

  6. anu na naman ba tong nangyayari? psssst jin tumatanda na tayo ha. haha sayang lang naman kasi.. kung pwede pang maayos sana pagtulungan na oh. c",) balik trabaho na ko bukas..

  7. honga eh puro ka bakasyon dyan, buti ka pa, wala namang mawawala, andun pa rin ang pagkakaibigan