He Says

"Tuliro ako nun, at pagsakay ko ng bus unti unti nanaman pumapatak ang luha ko. Habang tina type ko ang blog na ito ay hindi ko mapigilang umiyak. Mahal ko talaga siya pero sana makapag move na ako, I can't let her go pero gagawin ko kasi yun ang gusto niya at dahil mahal ko siya.

I feel shattered into pieces hindi ko alam kung sino ang pupulot sa akin para gawing buo uli ako. Iniwan ako sa ere at binitawan ng basta basta nalang.

Lahat ng pagmamahal ko ibinigay ko sa kanya, kahit alam kong nag mumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Sakripisyo na nauwi lang sa lahat, lahat ng inivest ko na kahit kalahati man lang ng pagmamahal ay hindi nya na kayang ibalik. Ganun pala yun no?, mapapagod at mapapagod ka rin lalo na kung ikaw nalang ang lumalaban para sa inyo at hindi na kayong dalawa.

Alam ko makakaya ko rin ito at matatagpuan ang babaeng para sa akin. At hanggang mahal ko siya kung babalik man siya sa akin ay tatanggapin ko siya ng buong buo hangga't wala pa akong minamahal na iba."

-Angel has flown away from me, Jefford's I Shoot. I Blog. I Play

4 Reaction(s) :: He Says

  1. karamay mo diyan si Batman dude... mahirap talaga yun kapag mismong ang anghel ng buhay mo ay tuluyan ng bumitaw sa pagkakahawak mo...

  2. hehe / buti nalang nde ko post yan

  3. hahaha... buti nalang hiniram pa kasi ng powerpuff girls batman flashlight ko...

  4. haha // meganun