January - Nagsimula ang post sa isang screenshot ng aking peborit na online game - World of Warcraft sa pagbati sa taong 2010. Bagong simula, matapos ang hindi inaasahang break-up na nangyari with AR, na napalitan rin ng bagong pag-ibig. Natatawa minsan na kung change status ang paguusapan mabenta siya sa FB. Nagulat rin akong sa unti-unting pagbabago na naman kay Angelo, ang aking kababata mula pa elementary, nalungkot dahil magsasara na ang shop na nilalaruan ko sa kanila. Hindi ko alam ang nangyari pero nasasayangan ako dahil pagkakataon na niya ito na bumawi at ibalik ang buhay na nawala sa kanya mula nang pumanaw ang kanyang nag-iisang kapatid mga ilang taon na ang nakakalipas. Ginawa na namin ang aming magagawa pero dapat tulungan rin niya ang kanyang sarili para makabawi.
February -Birthday month at araw din ng mga puso. Araw ng mga saltik at kulang-kulang na kagaya ko. Marami pa naman kami sa office at sa Pod namin na nagce-celebrate ng birthday. Salamat nga pala kay Boss Jason, sa pag-send ng "edited" pics pag may birthday ng kanyang agents at kahit wala na ako sa team eh nakapagpadala pa rin siya sa akin. Appreciated! Sinimulan rin ang fiction story nina Jerry at Kate, na hanggang matapos nalang ang taon ay hindi ko na siya nasundan. Hindi lang siguro ako inspired dahil na rin sa mga pangyayari nitong taon at sa pagtanggap sa isang masakit na katotohanan. After AR, nakilala naman si PDL, hindi pa rin makapag-moveon dahil akala ko siya na talaga. Turn out to be na hindi talaga ganun kahaba ang shelf life ko when it comes to relationship, mabilis akong magsawa at pag hindi ko nakita ang hinahanap sa taong iyon, ayoko na patagalin at lokohin ang sarili namin. Happy 2nd anniversary sa atin Chase Recollex Wave 2. Sa pagpasok ng bagong taon, 3 years na tayo at sana naman makumpleto tayo kahit simpleng kainan lang eh ayos na.
March - Buwan ng kaadikan sa panonood ng DVD TV series, na nagsimula pa as early sa last week ng February, wala na kasi akong time na makapanood pa ng TV dahil na rin sa schedule ko at pag weekend naman eh tulog at iyon lang ang oras na makapanood. Pero minsan gumagala kasi dahil ayokong mainip naman at tumigil lang sa bahay. Ito rin ang panahon ng pag-plano sa out of town biyahe ko for the first time in my life. Nakilala blogmates na sina EmPi at Yanah na naging instrumento para maisakatuparan ang aking balak. Nakipag-bonding rin kina Dan (Bampira) at Yas Tolentino, kapwa blogger din. Salamat po guys at nag-enjoy po ako at unti-unti nang dumadami ang blogger friends ko. Nagpunta kasama ang tropa sa Tagaytay, salamat sa ride ulit Kuya Leon mula pagpunta hanggang sa paguwi.
April - Nag-try na naman ng panibagong relationship with AD. Hindi na talaga ako nadala at matapos ang paulit-ulit nalang na failed relation eh sumubok na naman ako at umaasang magtatagal ito. Lalo pang tumibay ang pagkakaibigan namin nina XT at Jay na nagpla-plano na kami sa paguwi ni Jay sa kanyang probinsya at kasama kami run kaya naman todo ang excitement ko dahil naka-inline na ang mga gagawin kong byahe ngayong taon. Dumalaw sa Batangas at binisita ang Taal Church at kalapit na beach dito. Sa work naman, nakapasa bilang QA si Garry, ang officemate and friend, matagal na rin ang pinagsamahan namin mula pa noong nasa ICT kami hanggang sa paglipat namin sa Chase. Nabawasan na naman ang pioneer ng MERS team hanggang sa naging tatlo nalang kami, nakaka-miss ang paglalakad tuwing gabi sa kahabaan ng Ayala kasama sina Garry at Ate Bebe.
Eto na rin ang first time kong out-of town sa buong buhay ko kaya super excited ako at finally after ng ilang buwan na monotonous na buhay eh mababago na siya sa pag-akyat namin sa Baguio kasama si MP at si Mami Yanah. First time kong makapunta ng Baguio pero dissappointed nang kaunti nang hindi ko na maramdaman ang lamig na pinagmamalaki ng lungsod, marahil na rin siguro sa dami ng tao na naninirahan na dito kaya uminit na siya at hindi na kagaya ng dati. Nagkaroon ng kaunting aberya sa pagdiretso namin sa Sagada pero nervertheless eh maluwalhating nakapunta sa aming destinasyon. Super ganda sa Sagada, parang gusto ko nalang manatili dun sa lamig ng klima at sa bait ng mag tagaroon na ultimo mga banyaga ay nahalina sa kagandahan at misteryo ng lugar na ito.
May - Matapos ang masayang adventure sa Norte with MP and Mami Yanah, bandang South naman ang byahe ko nagsimula nitong katapusan ng April sa Isla de Cabra kung saan galing si Jay, kasama ko sina XT at Jason sa biyahe na ito. Again first time kong sumakay ng barko, actually nung 2 yrs old palang ako eh nakasakay na rin ako nung nag migrate family namin from Davao to Manila. Nakitulog muna kina Jay sa bahay nila sa Taguig at sa Pier na kami nagkitang apat. Matapos ang ilang oras na biyahe, kulitan at picture sa loob ng barko at malasin ang bughaw at malawak na karagatan. Nakarting na rin kami sa Mindoro at ngayon naman eh sasakay ng bangka which is again first time ko kaya kinakabahan kasi baka mahulog ako at hindi pa namana ako marunong lumangoy. Ang ganda ganda ng ilalim ng karagatan habang minamasdan ko siya at todo kapit ako para hindi mahulog. Grabe, breathtaking ang mga eksena na nakita ko pagdating sa isla hanggang sa paguwi namin. Umaasa ako na makakabalik ako dito. Malaki ang potensyal ng turismo sa lugar na ito kung maaayos lang siya. Salamat kina Ama at Ina sa pagpapaunlak sa amin sa inyong tahanan, tunay pong nag-enjoy ako at nabitin sa biyahe na iyon.
Panahon na rin ng Halalan ngayong buwan at buong pamilya kaming bumuboto kasama ang aking tito at tita tuwing may ganitong eleksyon para ma-excercise namin ang aming karapatan sa pagboto. Bago ang sistema dahil automated ang eleksyon, though mahaba ang pila, sobrang init eh maluwalhati namang nairaos ito. Hindi pa natatapos ang aking byahe at this time naman eh Team Building kasama ang team Mark sa Marinduque sa probinsya naman ng kasama naming si Vien. Hehe, excited kasi matagal-tagal rin bago nasundan ang Dagupan team building with Sir Jason at ngayon kay Mark naman. And again, kung pagbibigyan lang ng pondo ang isla eh marami pang turista ang dadayo dito, medyo bitin rin at planong bumalik pag nagkayayaan ulit.
June - Tiaong Quezon naman ang aking pinuntahan and this time sa probinsya naman ni pareng XT. Nakilala ang pamilya niya at lalo na si Utoy na parang anak ko na rin at sobrang takot sa akin dahil mukhang pulis daw ako. Hehe! Napuntahan namin ang lugar ni Ugo Bigyan, ancestral haus ni Tia Ong kung san nagmula ang pangalan nito, ang Kamay ni Hesus healing center kung saan nagkaroon kami ng private time with Him. Hindi ko nagustuhan ang longganisang lucban dahil maasim siya. Salamat ulit sa masayang experiyensya itong at nakapag unwind ako at nawala ang stress mula sa office. Opisyal na ring nanumpa si PNoy bilang bagong Pangulo ng ating Bansa sana nga matupad at magkaroon ng pagbabago ang ating bansa tungo sa matuwid na landas ng pagbabago.
July - Sumali sa nakaraang Elimination leg ng Milo National Marathon, and again syempre first time ko na naman lumahok sa ganitong event. Masaya ang event at maraming nagpunta, bumaha ng kulay berde ang Luneta at kahabaan ng Roxas Blvd, kung san ginaganap ang event. Hindi naman kami sumali para manalo kundi enjoy lang at makatulong sa cause ng Milo na mabigyan ng sapatos ang mga bata. Nakaabot naman sa quota na 1hr for 5k run kaya kahit pagod, masaya kami na natapos ang event. After ng saya, lungkot naman ang nadarama nang mabalitaan ko ang pagpanaw ng aking blogger friend na si Dan, hindi man lang kami nakapag bonding nang matagal at nung kasama pa si Elias ang huli naming pagkikita. Alam ko na masaya siya ngayon sa piling Lumikha at finally nakawala na rin siya sa makasalanang mundong ito.
August - Baguio reloaded and this time kasama naman at buo ang tropang MYXJJJ. Masaya kasi ito ang first time na real bonding ng barkada. Gumala sa PMA at pinasyal sila ulit sa lugar na unang napuntahan namin nung tatlo palang kami nina MP at Yanah. Sayang nga lang at hindi natuloy sa Sagada dahil wala rin kaming budget para magtuloy-tuloy. After AD dumating naman si RL sa buhay ko. Isa sa mahirap na desisyon ito kasi walang ginawang kasalanan ang isa para gawin ko sa kanya ito at naging marupok at mahina ako nung panahon na iyon. Nagkaroon rin ng mini-reunion kaming magkakaklase sa kolehiyo dahil sa paguwi ni Joseph, salamat ulit sa bonding. Nagpunta rin kami sa Fontana Leisure Park sa Clark at iyon ang huling team building ng Team Mark, dahil marami ang na promote at lilipat ng kabilang department. Malungkot pero kailangan makapagmove on pero for the mean time, savor the last moment with the team at nag-enjoy at nagkaiyakan.
September - Ilang ulit na namang binisita ang Wawa at paiba-iba ang kasama. Kaya medyo kabisado ko na rin ang trail papunta rito pero syempre yung goal na Pamitinan cave eh hindi na naman natuloy dahil kulang sa time at hindi mahanap. Balak sanang pumunta ulit dito pero this time kasama na ang PS Boys. Kaka-miss na rin kasi sila at ilang buwan at taon pa nga na hindi ko na nakikita sila. Breakup with RL, kakapagod na ang ganito, naka apat na breakups nitong taon lang, pagod na ang puso at gusto nang magpahinga nang tuluyan at baka hindi na siya mahanap pa.
October - Nung isang taon pa due ang aking passport kaya naisipan na magpa-renew. Bago na ang proseso at lalo na ang presyo ng passport dahil electronic na nga siya. Pero gumanda ang serbisyon dahil hindi kagaya dati na sobrang haba ng pila at puno pa ng fixer eh ngayon, isa-isa na talaga at may sistema siya. Bow ako sa aksyon na ito ng gobyerno. Gumala kasama si XT sa Maynila, though ilang beses na akong nakakapunta dun eh hindi ko pa ring maiwasang ma culture shock sa aking nakikita, ang tunay na mukha ng kahirapan, ang mga gusgusing bata, ang mga barong barong malapit sa ilog. Masasabi kong swerte pa nga kami dito sa probinsya dahil kahit papano disente ang pamumuhay namin.
November - Pagisip-isip kung anung landas ang tatahakin, nagbukas ang dalawang daan at hindi na pwedeng bumalik once na nakapag decide kna. Malaking desisyon ito para sa akin at kailangan ng matalinong pagpapasya dito. Pinili pa rin na lumipat sa ibang Department kesa lumuwas ng bansa, titingnan muna kung ano ang mangyayari at i-assess kung worth ba ang paglipat at pag hindi baka ituloy ang planong mangibang-bansa.
December - Start na ng training sa bagong function, naninibago parin at patuloy na nag-aadapt sa bagong environment. Pinaplano na rin ang gagawing bakasyon sa susunod na taon. Sunod sunod ang mga event gaya ng kasal at reunion kaya naging busy ang bawat weekend na dumarating. Panibagong hamon na naman dahil sa pagpasok ng bagong taon, balik pang-umaga na. Ilang taon ring naging imortal sa pagiging nightshift. Isang malaking sakripisyo siya on my part since kailangan give up ang night diff at incentives na nakukuha ko sa previous team ko. Bahala na at pagbubutihan nalang at harapin ang hamon ng pagpasok ng bagong taon. Bagong ako sa 2011.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: [2010] Isang Pagbabalik-tanaw..
Post a Comment