Kung [alam] mo lang

Sa iyo,

Nakakapagod na minsan na maghabol sa taong hindi ka naman gusto, parang tanga na nauubos ang text mo kahit Globe or Smart pa siya para lang malaman mo kung anung ginagawa niya sa oras na iyon. Hindi ko naman masasabi na panget ako, mataba nga lang - kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sa iyo kung anung nilalaman nitong sa loob ko, kung ano ang kaya kong gawin kung sakaling buksan mo ang iyong sarili sa akin. Pero kakalungkot, hanggang sa pag-asa nalang ako kakapit dahil sa simula't-simula palang eh panlabas na kaanyuan ang gusto mo lang tingnan. Dibale nang masaktan ka ng ilang beses basta yung me itsura palagi at ayos ang hubog ng katawan ang una at huli mong tinitingnan. Hindi kita masisisi, hindi naman ako ipokrito para hindi rin mag-isip ng ganun. Pero mas nasasaktan ako habang nakikita kang paulit-ulit na pinaglalaruan ng taong akala mong para na sa iyo.

Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko. Kung alam mo lang kung gaano ka ka-importante sa akin. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.

Kung alam mo lang..

12 Reaction(s) :: Kung [alam] mo lang

  1. hahaha napagdaanan kong lahat ito.. at ang masasabi ko.. di niya alam at anong paki niya.. hahaha...

  2. hehe, paiba-iba ang mood swings ko talaga sa panahon na ito. kanina ko lang yan ginawa pero ok na rin ako after.

  3. omg.

    *sniff

  4. anu ba kasi yang nasa loob mo?

    patingin nga?

    aaayyyy! ang laki!





    ang laki ng pagmamahal mo sa kanya.. chos!

    pinapatawa lang kita kasi i know where you're coming from.

    i understand how it feels kasi ganyan din ako pero you know what?

    isa lang ang na realize ko sa paghabol habol

    you have so much love to give pero kung ayaw niyang tanggapin eh di wag for sure meron isang tao diyan na handang tanggapin ka kung sino at anu ka always remember that.

    isipin mo, kung magiging kayo dahil habol ka ng habol then eventually naging kayo dahil.. let's say naawa siya sayo

    do you want that to happen? do you want someone to love you out of pity? of course not di ba? so dont waste your time making habol kung sino man yun dahil he doesnt deserve all the love that you can give. :)

    smile and just wait for the right person..... he'll come!

    sooner ;)

  5. Hindi siya deserving sa pagmamahal mo. Kaya let it go... ;)

  6. Ah pag-ibig...
    [walang masabi dahil sobrang nakarelate]

  7. aawww... sweet naman...
    at totoo. ndi ka panget...

    friend kaya kita...
    ^_^

  8. nakiki-agree ako kay kikomax. parang na feel ko na rin to. tsk tsk3. bat kaya ganun no?

  9. salamat po sa inyo sa pagbibigay ng inyong advice sa post na ito. hehe. minsan talaga pag tinopak ako ganyan ang naiisip ko, mukhang nde maayos ang pagkakasulat pero mula sa puso. salamat sa pagdamay lalo kna shena, may punto ka dun, ayoko naman umabot sa ganun na awa nalang ang nararamdaman niya sa akin. hayz, mahirap talaga pero you can't lose what you never had kaya move on phase na naman. nakakapagod na minsan.

  10. i am not telling you to forget everything in just a snap of a finger..

    but I KNOW SOMEDAY YOU WILL.. :)

    smile ka na ha!


    sooner or later SOMEONE WILL LOVE YOU i swear!

    at hindi ka na manghahabol dahil ikaw naman ang hahabulin.. haha!

    ganda lang!

  11. weh? di naman siguro topak yung term kung inlab ka lang talaga. hahaha. nwei, thanks sa pagbisita sa site ko. balik ka

  12. hehe, salamat ulit sa muling pagbalik!