'Twas the day b4 Xmas

Nabusog sa pot luck ng umampon sa amin. Thanks Team Renier na parang binyagan ang buffet lunch natin kagabi. Nabusog ako nang marami pati na ang mga kasamahaan ko at nag takehome pa kamo. Prior to that nagkaroon sila ng final exchange gift and masasabi kong ang saya-saya ng team nila dahil ang bobongga ng mga gift na natanggap at nakuha nila. Kainggit dahil next year pa namin mararanasan yan sa team na lilipatan namin sa umaga. Bago umuwi, dinalaw ang mga dating kasama, nag greet na rin ng Advance Merry Xmas. Thanks nga pala sa nagbigay sa akin ng gift kanina, Boss Ryan, Sir Renier, Ms. Sam at Mam Sally.

Grabe ang traffic sa EDSA lalo na sa Cubao area, buti nalang at nag ilalim ang bus kuung hindi eh baka ma-stuck kami sa traffic. Mass exodus talaga at sobrang haba ng pila lalo na sa Baliwag terminal. Maski sa palengke sa bayan namin, hindi magkandarapa sa last day ng pamimili para sa kanilang Noche Buena mamayang gabi.

Merong mga plano ngayong weekend pero hindi pa sure kung matutuloy, for the meantime; babawi muna siguro ako sa mga araw na kulang ang tulog ko. Hindi na ako nakapag balot ng regalo dahil na rin sa sobrang busy. Iisa lang naman ang inaanak ko kaya alam mo na kung ano ang ibibigay ko sa iyo pagpunta mo dito bukas. Hanggang sa muli. Advance Merry Christmas to all!

7 Reaction(s) :: 'Twas the day b4 Xmas

  1. Grabe na talaga traffic ngayon, dami kasing kainan at mga party na pinupuntahan e. Hinay-hinay lang sa cholesterol ha. Merry Christmas sayo!

  2. Waaa. Buti ka pa, isa lang inaanak mo.

    Merry Christmas pala. =)

  3. merry christmas chong

  4. MERRY CHRISTMAS!!!!

  5. eh syempre naman, hindi naman bawal ang tumanggi - praktikal lang, parang pista bakit mo pipiliting maghanda at mangutang para dyan lang. again merry xmas to all!

  6. maligayang pasko, jeff. *hugs* :)

  7. merry xmas aris!