Nung Sabado naman, me narinig akong balita mula kina Jervin na ni-relay din ni Rene ang tungkol sa nangyari kay Angelo, na merong event na nangyari sa may palengke sa amin. Sana naman hindi ganun ka-seryoso iyon kung ano man iyon, gusto ko sana puntahan sila at magkita-kita kami para puntahan namin si Angelo kaso mukhang busy sila sa umaga at ako naman eh sa hapon ay hindi pwede dahil aalis rin ako. Hayz, ano ba itong nangyayari sa friend namin. Hindi na namin alam ang gagawin at hindi rin niya matulungan ang sarili niya.
Samantala naman, umalis ako kinagabihan ng Sabado na naiinis dahil brownout at hindi alam ang dahilan at hindi tuloy ako nakapanood ng Misteryo. Peste man kung sino yang may dahilan ng power interruptions, sa lahat ng oras kung bakit hapon pa niya ginawa na mawalan ng kuryente. Tinagpo si Joel makalipas ang ilang oras dahil dun ako makikitulog sa kanila dahil maaga ang sasalihan naming fun run sa may The Fort.
Maaga kaming nagising, suot na ang aming jersey. Nakakatawa dahil meron kaming nakakasabay na suot din iyon at nagkakahiyaan pa. Nag-taxi na kami dahil inutil ang pupugak-pugak na bus. Nakarating naman ng maaga sa venue which is 28th street. Marami-rami narin ang andun. Nag-warm-up muna kami. Hanggang sa nag-check-in na kami bandang 6am for 5k run. Instead of a gunshot to start the race, eh trading bell ang gamit nila dahil PSE ang organizer at iyon ang ginagamit nila to signify the start of trading sa stock market.
Ok naman ang start ng race, maraming nakikipag-unahan. Tigil at andar kami para mag-conserve ng energy. Hanggang sa nakarating na sa Finish Line, salamat at nakaabot pa sa 1 hour cut-off, finished the race at 55 minutes while Joel was 2 minutes behind naman. Nag hydrate at kinuha na ang loot bag then umalis na kami. Sayang nga lang at walang camera para may remembrance naman kami ng event. Overall naging masaya naman ang event at talagang pinawisan ako kakatakbo. Plano namang salihan ang 10k event to push myself to the limits ulit. Hehe. Race results will be posted as soon ma-release ng organizer ang data. Hanggang sa muli ang enjoy your day po!
May fun run akong sinalihan dati, 5k rin. Natapos ko in 33 minutes haha :p
Nox
January 9, 2011 at 10:34 PMhealthy living ah.
Alter
January 10, 2011 at 4:11 AMhaha, eto post ko na next ang race results
Jinjiruks
January 10, 2011 at 11:52 AM