Tambay, Gala, Tambay, Gala

Lang magawa buong araw, hindi man lang ako nakapag-jogging. Almost 6am na rin kasi nagising. Nagpalipas ng oras na nakahiga lang at ka-text mga frens hanggang sa naisipan na mag-net na umabot ng 5 hours, then paguwi naman hindi naman ako makatulog. Bago mag-agaw dilim, hindi ko alam kung anung naisip ko at gusto kong umalis na naman at pumunta sa tulay ng San Jose. Hindi sa tatalon ah, mababaw ang tubig para gawin iyon, mapipilayan ka lang. Wala lang pahangin lang kagaya ng ginagawa ko dati lalo na pag stressed out ako at hindi na kaya ng Internet. Sarap ng hangin at magmuni-muni.

Dumaan naman sa aming Town Center at naghanap ng makakain, syempre diretso sa Supermarket, therapy ko kasi ito na tumingin-tingin sa mga goods, hanggang sa bumili na ako ng fruits at nilantakan habang naglalakad pauwi. Parang melon din pala ang Honeydew at Cantaloupe, sorry naman kung ngayon lang ako kakain ng ganito hehe. Ilang minuto rin ang lumipas bago nakabalik sa amin. Parang nag-jogging na rin ako sa haba ng nilakad ko para mabawas-bawasan naman ang calories mula sa food.

10 Reaction(s) :: Tambay, Gala, Tambay, Gala

  1. hayaan mong tumambay-gala ka muna, simula pa naman ang 2011 e.

    Hwaw, bagong layout! I labet! Hahaha

  2. wow bagong layout na naman...

  3. at least wala kang sakit. ako naman, sa kakagimik, eto di na makahinga dahil sa baradong ilong

  4. ganda naman ng layout mu teh!! inggit much akes!!


    uhmm,, tungkol sa paglalakad mu at pagpapahinga, okies lang yun,, minsan n lang ntin un magawa kaya gow na lang ng gow!!

  5. @will/kiko
    thanks po! para maiba naman

    @ester
    ok lang yan, mawawala rin yan!

    @kiko
    haha, salamat naman at hindi mo pinintasan yan!

  6. sarap naman ng buhay mo..

    actually, dati nung student pa ako nagagawa ko pa siya pero naun hindi na

    haha!

    hindi mo pa sinasagot tanung ko

  7. masarap ang buhay? kelan pa?

  8. anung kelan pa?

  9. kelan pa naging masarap ang buhay sa isang hopelessly romantic na kagaya ko

  10. anu ka ba!

    wag kang ganyan..

    hopeless romantic din ako pero i still believe na someone would love me.

    malay mo andyan lang siya sa tabi tabi.. :)

    choosy ka ba? nyahahahaha

    yung tanung ko di mo pa sinasagot