55

[Saturday]
.
.
.
.
.
.
Uwian na. Hindi na nakapag-OT dahil sa sobrang antok.
.
.
.
.
Nagising sa ingay ng TV at init na rin, naligo na rin para makapag-net. Ilang araw rin kasi akong hindi nakapag-update sa FB at sa iba pang networks.
.
.
.
.
Umuwi para manood ng TV series na "Misteryo", mula nang malipat siya sa Channel 7, parang nabawasan or nakulangan ako sa show. Maski si Alex hindi na rin nagtatawas at mabilis lang ang psychic survey nila.
.
Bored sa bahay, pumunta sa school oval at baka maabutan pa si Jervin sa pagjogging, pinanood ang mga naglalaro ng footbal. Mga future Azkal players in the making. Sarap pala pumunta dun pag hapon, fresh cold air. At parang mini-Luneta siya sa dami ng pamilya na pumupunta, kasama ang mga kabataan.
.
Nag-text kina Jervin at Rene, nakauwi na pala ang mokong at nasa palengke. Pinuntahan sila sa bagong pwesto sa palengke kaunting chit-chat sa balita kay Angelo pati na sa mga kaklase dati habang pahinga sa bahay nila. Pagkauwi naman, naabutan naman si Pogs na pinsan ni Angelo, naki-balita na rin kung nasaan na siya at naka-confine pa rin daw sa hospital.
.
.
.
.
[Sunday]
.
.
.
.
.
Hindi nag-reply si Thomas, kaya kami lang ni Kuya Al ang natuloy sa jogging namin papuntang Wawa. Nakakahiya kay Al at ilang minutes rin akong late. Kala ko kasi eh wala pa siya at naglalakad rin mula sa kanila. Mga 5-7km rin ang layo ng jog namin. After makarating sa Wawa terminal. Tinuro sa akin ni kuya ang trail na dinaanan nila sa Merryl Adventure run na ginanap noong nakaraang taon dito sa Sitio Wawa, grabe ang hirap ng trail dahil pataas siya sa simula palang, kaya malaking challenge ito. Patuloy ang slope ng lupa habang papataas. Hindi na rin namin nadaanan most of the trail kasi nga tirik na ang araw at napagpasyahan naming umuwi na matapos ang ilang usapan tungkol sa jogging at photography.
.
.
.
.
.
Net ulit kasama na rin ang pagpapa-print ng resume ni Papa dahil aapply sa ibang company.
.
.
.
Supposedly magkikita kami ni Chris tungkol sa ilang importanteng bagay kaso hindi natuloy dahil na rin at nasa Bicol siya. Maski si Mike, nagyayaya sa Wawa eh hindi biglang nautusan na magbabantay ng tindahan, kaya nalusaw ang plano na magmuni-muni sa Wawa. Hayz, bored!
.
.
Nakipag-meet sa may MOA para mag bonding, kaunting usap usap, bili ng makakain. Nakitulog. Nakikopya na rin ng MP3s pati na mga kung anu-ano na nasa phone niya. Salamat po sa overnight stay.
.
.
Hinatid siya sa work at umuwi na rin ako. Pinagiisipan kung mainam sakyan, kung bus ba na take the risk sa traffic or sa MRT at paputol-putol na biyahe sa mga jeep pero tipid naman sa oras.
.
Nag-assume na since tanghali eh hindi naman traffic, lahat nalang ng kamalasan eh napunta sa akin sa pagsakay sa bus na ito. Pumila pa sa baba ng Ortigas at sa ibabaw naman ng Cubao. Samahan mo pa na nabangga ang salamin niya ng isa pang bus at buti nalang hindi tumagal ang usapan nila at nagbayaran agad.
.
.
Pagkauwi sa amin, kaunting pahinga at nakatulog sa pagod at nag-gayak na matapos ang ilang minuto papasok sa trabaho.

0 Reaction(s) :: 55