[drei] Tage nachher

Ilang araw na rin akong hindi nakakalabas ng bahay. Usually nakahiga lang at nanonood ng TV. Inom ng gamot pag oras nang uminom. Umaasa na sa susunod na linggo makakabalik na sa trabaho. Hirap paring magsalita kaya hindi maintindihan nila mga sinasabi ko. Buti nalang at nakakaligo na ako at wala nang lagnat. Kung pwede lang nga na ako na ang pumutok sa tonsil na ito para matapos na itong problema ko. Pero syempre gagamitin ko muna mga available options bago dumating sa ganung measure. Mahirap ring kumain at lalo na lumunok. Pasalamat nalang ako at hindi naman siya tuluyang nakabara sa daraanan ng hangin kung hindi operasyon agad.

Ang hina hina talaga ng resistensya ko pagdating dito sa respiratory at ung digestive system ko. Kailangan pa talaga magkaganito ako para iwasan ko na ang malamig at matatamis na pagkain. Sorry sa mga naka-sched na activities na gagawin ko this weekend at hindi po ako makakasama sa inyo at baka mabinat lang ako kung itutuloy ko siya. Hoping na next week, mawala na siya or pumutok nalang and eventually makabalik na ako sa trabaho. Amen.

2 Reaction(s) :: [drei] Tage nachher

  1. Pray hard dude. magiging ok ka din.

    Good day folk.

    follow my blog here:
    http://arandomshit.blogspot.com/

  2. thanks god of the new world, sana mapagaling mo ako by touching my neck.