Yay, Weekend Finally


Around 10am na nang makauwi sa amin. Plano ko pa naman na wag matulog para makapag Net maya-maya pero nanaig ang pagod kong katawan at nakatulog na naman ako nang hindi ko namamalayan. Nagising nalang ako bandang alas-2 ng hapon na normal na ayon sa aking body clock. Parang mini-botika na ako shelf ko sa mga gamot na nakalagay. Andyan ang Vitamin C, Multivitamins, Antiseptic mouthwash, Antibacterial Meds.

Isang malaking shock ang muling pagtetext ni Angelo sa amin. Finally nakauwi na siya sa kanila at mukhang Ok na siya at nakakausap na nang maayos at nakakausap na namin. Nagpunta bandang alas-5 ng hapon sa kanila kasama si Thomas, matapos panoorin muna ang Misteryo at yung Weekend Getaway eh sa Monday ko nalang papanoorin.

Naabutan sa labas si Tita Lourdes, pinapasok kami ni Angelo. At nagsimula na kaming mag-usap sa iba't ibang bagay. Plano niyang buhayin ulit ang computer shop which is a good news sa barkada, finally may diversion na siya ulit at tutulungan namin siya sa abot ng aming makakaya. Napagusapan rin ang pangangaso sa Nueva Ecija na planong gawin ngayong Semana Santa kasama ang kanyang tito. Pati na rin ang plano sa susunod na Linggo na food trip at fishing sa taas na bahagi ng Wawa Dam kasama pa rin kung sino ang mahahatak sa PS boys. Sana nga tuloy tuloy na ito at umaasa nalang kami na magiging maayos din ang lahat.

Bago umuwi, napadaan muna kami ni Thomas sa mall para tumingin ng Tent at meron na kaming nakitang tent na Dome type at mukhang Ok naman siya. Bukas naman naka-plano ang jogging session namin ni Thomas kasama ng sister niya at itong mayayaya kong friend. Sana lang hindi na naman mag trigger ang sakit ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung bumalik pa ulit siya.

Happy weekend guys! Sulitin nyo na ang weekend para makapag-unwind at sa weekdays eh baliik na naman tayo sa reality.

2 Reaction(s) :: Yay, Weekend Finally

  1. have a great weekend! :) sana nga di mag-trigger para happy lahat... ^_^

  2. hehe, thanks! you too carlo!