Register

11am. Maambon-ambon hanggang sa umulan. Nagkita kami nina Rene at Thomas. Usap-usap sa mga balita hanggang sa makarating sa SM North para mag register sa PSE Bull Run 2012. Hoping na sana eh may slots pa for 16k. Sad to say wala na talaga at na kuntento nalang kami sa 10k, *sad*.

Gala muna saglit at tingin-tingin bago magpunta sa WalterMart sa Munoz around 2pm. Tingin ng mga shoes sa SportsWarehouse na recommended ng former supervisor ko. Mura nga talaga siya pero sad at wala sa size ko mga available sa kanila. Nalaman ko nga rin pala na Middle/Flat ang paa ko salamat dun sa Adidas store.

Kumain muna ng lunch bago umalis at napagpasyahang mag MRT dahil balak ni Thomas dumaan sa Marikina via Cubao at may titingnan daw siya. Pero napagpasyahan na bukas nalang daw at alanganin. Kaya bumalik kami sa sale ng mga gears sa Trinoma Activity Center, tingin-tingin lang. Umakyat sa Olympic World at nakabili rin ng running shoes. Sana nga lang Black/Red combination kaso wala talaga at nakuntento ulit sa White/Neon Green combi para reflector narin pag gabi.

Gabi na kami nakauwi sa amin. Salamat sa bonding Rene at Thomas. Excited na sa Bull Run!

0 Reaction(s) :: Register