Heritage City of Vigan (Part 1)

Friday morning/afternoon
Pagkadating sa bahay afterwork, prep agad ng mga gamit for the trip. Usapan namin na magkita ni Mark sa MRT Taft by 6pm

6:00pm
-Medyo late nang kaunti at kanina pa pala nag-aantay si Mark, sorry naman!
-Sumakay sa LRT, tumigil ang train at nag malfunction ata dahil sa kakulitan ng mga pasahero sa pagsara ng pinto, bumaba sa Central Station at nilakad nalang papunta sa Pedro Gil para antayin si Jay na nasa biyahe narin mula sa Laguna

6:30pm
Nasa 7-11, nilibre ng Magnum, thanks Empoy at inantay si Jay at nagpunta na kami sa landlady ng friend namin kung saan eh may bahay sila sa Vigan, salamat Auntie Patricia for the free accomodation nga pala at ang laki ng tipid namin dahil dito.

8:30pm
Umalis nasa dorm kasama na si Tolits, Jay at Mark, nag-abang ng Taxi pero bigo kaya nag jeep nalang papuntang Aniceto Bus Line sa may Laong-Laon sa Maynila. Nagpa-reserve na si Tita para walang abala sa byahe. Ang mura ng transport fare kumpara sa ibang bus bound to Vigan, 420 lang siya kaya happy kami.

9:10pm
Departure from Manila

10:00pm-12:00mn
Nasa biyahe pa rin, ngayon lang ako magbibiyahe ng gabi, tried to get some sleep pero hindi talaga ako makatulog, bahala na kung mapupuyat.

0 Reaction(s) :: Heritage City of Vigan (Part 1)