9:00am
Nagkita kita kami ng sa StarMall Shaw with 2 bloggers Madz and Marvin and fellow STARS alpha team Rene and Thomas. Mainit ang panahon at umalis na rin kami at sumakay sa van na Balibago ang route. Mainit at hindi kumportable ang pwesto sa van pero no choice and pero siguro naman hindi aabutin ng 2 hours kami sa byahe.
11:00am
Binaba kami sa Nuvali, nagtanong tanong ng matutuluyan, inihatid kami sa Paseo de Sta. Rosa, tinura ang isang hotel dun, sobrang mahal ng rate na hindi namin kakayanin. Nagtanong ulit sa guard. Grabe ang init na ng sikat ng araw at naglalakad kami pabalik at dun daw kami sa Target Mall maghanap ng murang apartelle. Magkano rin ang nagastos namin nun, mahirap talaga pag first time mo at walang kaalam-alam sa lugar.
12:00nn
Nilibot libot ang Balibago Complex sa paghahanap ng apartelle. Parang kawawa kami na naglalakad sa initan habang naghahanap ng murang rate pero bumalik na rin kami sa Amythyst at nag decide na dun nalang kami lumagi dahil malapit na rin sa mga bus terminals.
1:00pm
Check in kami in two groups. Kaming tatlo at yung 2 blogger sa kabila naman. Nag half bath bago kumain sa labas. Pagbalik hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod na rin siguro at wala pang tulog. Habang sila Thomas at Rene naman eh nanood ng TV at naglaro nalang ng cards. Namili narin kami ng grocery para hindi na kami kumain sa labas pagsapit ng gabi.
8:00pm
Gabi na ako nagising. Nagkita kami ni Irene na ex officemate sa kumpanya ni Oso dun pala siya dumadaan at it's been a while na rin kasi mula ng huling pagkikita namin. Hinatid siya sa sakayan sa Cabuyao at bumalik na rin ako. Inantay namin si Abundio na humabol dahil hindi nakapag leave sa work. Kaunting syesta at last minute preparation at paghahanda ng gamit.
12:00mn
Lights out. Excited na sa Outbreak.

kaw na!
Anonymous
April 15, 2012 at 8:11 AMat sila rin!
Jinjiruks
April 15, 2012 at 8:25 AM