repost from Eben's blog, nice choice of music, sabayan pa ng pag-uulan ang ka-sentihan, nakaka-relate at tagos sa puso..
20. Para Sa'yo - Aiza Seguerra
“Noo’y umibig na ako,
Subalit nasaktan ang puso,
Parang ayoko nang umibig pang muli...”
Sabi ko naman: Maganda ang boses ni Aiza, masarap pakinggan.
19. Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin – Iaxe
“Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo.
Puso’y lagging nasasaktan pag may kasama kang iba...”
Sabi ko naman: Ito ang awitin na madalas kinakanta ng utol ko sa Videoke...err...namin pala.
18. Tindahan ni Aling Nena – Eraserheads
“Tindahan ni Aling Nena,
Parang isang kwentong pampelikula...”
Sabi ko naman: Galing ng lyrics, nagkukwento ang E-heads habang kumakanta.
17. Ipagpatawad Mo - Vic Sotto
“Di ka masisi na ako ay pagtakhan,
Di na dapat ako pagtiwalaan,
Alam kong kalian lang tayo nagkatagpo,
Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo,
Ipagpatawad mo minahal kita agad”
Sabi ko naman: Ayan kasi, bilis bilis ma-inlab, ano ngayon na pala mo? Iniiwasan ka na tuloy.
16. Bagong Umaga - Bayang Barrios
“Ang bawat tao’y may patutunguhan,
Bawat pangarap ay may katiyakan,
Sa puso mo, huwag mabibigo,
Nasa iyo ang kapangyarihan,
Nasa iyo ang pagkakataon at tagumpay”
Sabi ko naman: Maraming bumabalik na alaala kapag naririnig ko ang kantang ‘to. Ito kasi ang kantang ginamit namin sa kauna-unahang Rehiyon Rehiyon Festival sa Marikina noong 1999. Ahhh...hayskul memories...
15. Hanggang - Wency Cornejo
“Giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang lumayo sa iyong piling
At nais ko ng malaman mo, kung gaano kita kamahal”
Sabi ko naman: Napakanda ng pagkaka-awit ni Wency. Maganda din ang lyrics ng kanta. Isa sa mga pinaka paborito kong OPM.
14. Tuloy Pa Rin - Neocolours
“Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagkat tuloy pa rin”
Sabi ko naman: Magandang song na pang move on.LOL Tama naman e, tuloy lang ang buhay...nandyan man sya o wala.
13. Kahit Na - Zsa Zsa Padilla
“Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko’y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala mo’y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro”
Sabi ko naman: Isang classic OPM na talaga namang may kurot sa puso.
12. Pag-uwi - Martin Nieverra
“Kay tagal na nating magkakalayo
Nung tayo’y magkahiwalay ako’y musmos
Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti
At hahalik sa’yo bayan ko”
Sabi ko naman: Isang Metropop winning song, ito na siguro ang theme song ng mga OFW. Parang paglapag ng eroplanong sasakyan ko pauwi ng Pilipinas ay ito ang maririnig kong background music...drama lang! LOL
11. Walang Hanggang Paalam - Joey Ayala
“Ang pag-ibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo”
Sabi ko naman: Parang kanta ito ng mga lovers na LDR (Long Distance Relationship) ang setup.
10. Kundiman - Silent Sanctuary
“Para kang asukal, sintamis mong magmahal
Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot”
Sabi ko naman: Ang galing ng pagkaka-areglo sa kantang ‘to. Ang gusto ko sa Silent Sanctuary ay yung paggamit nila ng classical instrument sa mga kanta nila, parang fusion ng modern at classical music. Well, not to mention mahilig lang talaga ako sa mushy lyrics. LOL
9. Minsan Ang Minahal Ay Ako - Celeste Legaspi
“Ang lingap mo’y hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan
Bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako”
Sabi ko naman: Sa panulat ni Maestro Ryan Cayabyab at Jose Javier Reyes...isa rin na classic OPM ang awiting ito ni Celeste Legaspi. May nabasa ako noon na ginamit ang kantang ito para sa isang dula na idinerehe ni direk Joey Reyes. Awit na tungkol sa kinang ng kasikatan at ang pagparam ng bituin na minsang pinalakpakan at hinangaan ng mga manonood.
8. Ikaw Ang Lahat Sa Akin - Regine Velasquez
“Dapat ba kitang limutin
Paano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin”
Sabi ko naman: Alam kong si Martin Nievera ang orihinal na umawit ng kantang ito na sinulat ni Cecil Azarcon. Nagustuhan ko lang talaga yung version ni Ms. Velasquez dahil vocally challenging, masyado siyang teknikal kumanta.. nakakabuwisit na nakakamangha kasi parang ayaw niya ipakanta sa iba. May halong pagdadamot sa ibang singers ang rendition niya. LOL
7. Pangarap Ko Ang Ibigin Ka - Ogie Alcasid
“Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka”
Sabi ko naman: Hay..hanggang pangarap ka na lang ba talaga?
6. Isipin Mo Na Lang - Bayang Barrios
“Manatili’t huwag matinag
Sa pag-ibig mo ay bihag
Ang puso kong ito
Isipin mo na lang ang ating samahan
At ang pag-ibig kong ito”
Sabi ko naman: I heart Bayang Barrios... para akong pinaghehele ng kantang ito...
5. Bakit Ako Mahihiya - Didith Reyes
“Sabihin man nila na ako’y isang baliw
Kung dahil sa’yo giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
Sapagkat mahal kita”
Sabi ko naman: Hindi mahalaga ang sinasabi ng iba. Sundin ang ibinubulong ng puso.
4. Luha & Halik - Aegis
“Gulong ng buhay, patuloy tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman”
“Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit ng ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim”
Sabi ko naman: Walang pakielamanan! Fan ako ng Aegis bakit ba? Napansin ko lang itong website nila hindi na na-update.. Coming Soon 12.01.07 pa rin ang nakalagay. In fairness may schedule of events pa rin sila. Sa katunayan habang sinusulat ko ang blog na ito ay nasa Cowboy Grill Las Pinas sila.
3. Panunumpa - Reymond Sajor
“Ikaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko’y nalulumbay
Manantiling ikaw pa rin”
Sabi ko naman: Dating contestant ng Philippine Idol, gusto ko yung timbre ng boses ni Raymond. Napakaganda ng rendition niya ng awiting ito. Piano lamang ang tumutugtog habang kinakanta niya ito, yet very heartfelt pa rin...
2. Sana Maulit Muli - Regine Velasquez
“Kung kaya kong umiwas na, di na sana aasa pa
Kung kaya kong iwanan ka, di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana”
Sabi ko naman: Hay...yun lang..hehehe.
1. Aking Munting Bituin – Gary Valenciano
“Pagmasdan mo ang buhay aking mahal
Tumitingkad sumisigla sa iyong ilaw
Ang sinag ng iyong pag-ibig
Pinukaw ang pusong nahihimbing
Pinawi ang dilim tatanda't niningning
Aking munting bituin
Mundo ko'y payapa sa iyong piling
Aking Bituin”
Sabi ko naman: Una ko itong narinig sa pelikulang Magnifico, nagustuhan ko agad. Sa katunayan sinubukan ko pa itong i-record, pero syempre mas maganda pa rin ang version ni Gary V. hehehe. Ang sarap ulit-ulitin...maganda kasi ang mensahe ng awit.
0 Reaction(s) :: Tagos sa Puso
Post a Comment