Sabado ng gabi palang ay balak ko nang ituloy ang naudlot na pag-akyat sa Maculot, hindi ako nawalan ng pag-asa kahit pa kabila-kabilaan ang pag turndown sa akin na wag nang pumunta at mag-antay nalang ng magandang panahon bago umakyat dahil nga daw eh sa magiging maulan ang karatig probinsya ng Metro Manila dahil sa epekto ng bagyo at habagat. Pero syempre umaasa ako at malaki ang tiwala sa Accuweather na Hourly weather update niya sa Cuenca, Batangas na sinasabing merong mga oras na magiging maambon pero halos kaulapan lang sa nalalabing mga oras kaya naman napagdesisyunan kong tumuloy at salamat na rin kay Tolits na handang sumama sa akin at mag-gamble kung ano man ang mangyayari sa dayhike namin, sa kabila ng pagtanggi ng mga taong inaasahan kong sasama sa akin.
Alas-3 ng umaga nang ako'y magising, nagbihis at i-text si Tolits na gumising na rin. Salamat nalang at nakiki-cooperate ang panahon at ang lagay ng traffic sa kalsada.
Alas-3 ng umaga nang ako'y magising, nagbihis at i-text si Tolits na gumising na rin. Salamat nalang at nakiki-cooperate ang panahon at ang lagay ng traffic sa kalsada.
Nakarating ako sa LRT Buendia bago mag alas-6 ng umaga at mga ilang minuto pa ay si Tolits naman na nasa kabilang side ng kalsada. Sumakay ng biyaheng Lemery sa Jam Liner.
arko ng Bayan ng Cuenca na marker sa pagsisimula ng landas papuntang bundok Maculot
pagsisimula ng pagtahak sa Maculot
salamat sa mga magigiting na myembro ng Philippine AirForce at nabuksan ang trail na ito para sa mga mountaineers para maprotektahan at mapangalagaan ang lugar na ito
ang pagsisimula sa daang matuwid
kaunting pahinga bawat istasyon ng bukohan, grabe rin ang pawis na lumabas sa akin hindi kagaya sa Tagapo na kaunti lang, sana nga nabawasan ako ng taba matapos ang akyat na ito
gitnang parte palang, napa-wow na talaga ako, basang basa na agad ang damit
medyo malapit na sa taas, lockjaw parin ako at napapa-wow na rin sa tanawin
si Tolits at sina Sir Ian at Mam Anna sa pagtahak sa Dila ng Maculot
wooo! kahit delikado at malalim ang babagsakan mo, hindi pwedeng hindi ka pumunta sa parteng ito ng Maculot at mamalas ang ganda ng kalikasan na ipinagkaloob ng Maylikha, nice view!
breathtaking panoramic view of Taal Lake
wag kna mang-inggit Tolits at delikado na yung daan papunta dyan
the gang on a sidetrip to Sitio Lumampao on the way to Taal Lake
ang pamosong 1000 steps ng Sitio Lumampao, talagang iyan na ang una at huli kong akyat sa hagdan na yan at kasumpa-sumpa ang hirap na daranasin mo samahan mo pa ng matinding sikat ng araw
ang malakas na alon sa ibaba sa lawa ng Taal
sayang nga lang at hindi kami handa at walang pampalit ng damit at susugudin namin ang lawa na ito
taos pusong pasasalamat namin ni Tolits kina Sir Ian at Mam Anna sa pagpapaunlak na isama kami sa kanilang pag-akyat sa bundok Maculot na naging gabay at kakwentuhan at eventually naging kaibigan namin buong araw, umaasa akong marami pa tayong bundok na pagsasamahan at lubos akong nagagalak na nakilala kayo at nadagdagan ang aking kaibigan na mountaineer, Salamat po!
0 Reaction(s) :: Mt. Maculot adventure
Post a Comment