of Regret



"... Mula sa aking nagdaang relasyon ay hindi ko rin alintana ang mga balakid na posibleng mangyari sa amin. Oo, inaamin ko na masama ang loob ko mula sa pangyayaring hiwalayan naming dalawa na di ko inaasahan dahil sa pagmamahal at kasiyahang idinulot nito sa akin. Napagtanto ko na talagang may hangganan nga pala talaga ang relasyon kapag hindi ito naingatan ng mabuti. Hayz. Ouchie, ang sakit kaya lalo na kung totoong pagmamahal ang ibinibigay mo.

... Nanghihinayang ako sa nagdaang pinagsamahang ipinahiram ng konteng panahon sa akin na nahahalintulad sa bulang biglang naglaho. (laro ba ito? Times up na). Ayaw ko ng ganito, sana ako na lang ang may hawak ng panahon. (siguro sosyal na ko nun kasi pedeng rewind, stop, pause, fast forward at play. harhar). Hindi ko maituturing na nasayang ang mga oras na yun kasi sumaya din naman ako at ginusto ko yun. Sayang ang mga lugar na gusto naming puntahan, mga pangarap na gusto naming isakatuparan, mga planong gustong buuin at mga pangakong pang habambuhay na gustong gampanan. Hayz. Paano na lang ang mga ito kung sya talaga ang kailangan ko? Hmm. (ang hirap at napaka kumplikado naman).

Sa pangyayaring yun maraming nabago pati ang routine na kadalasan kong ginagawa, nakaka-Miss at palaging naaalala ang mga panahong masaya na kapiling sya sa bawat oras na lumilipas. Hindi na ako sanay, pakiramdam ko talagang may kulang.

Maghintay at umasa.

Ito na lang muna sa ngayon ang magagawa ko. Ganyan naman talaga di ba kapag sa tingin mo may pag asa pa. Pero ang tanong, hanggang kailan nga ba? Hindi ko masasabi basta ang alam ko mahal ko sya e. Walang salitang move on sa akin. Ganyan din ako ka martir at magmahal. Endless Love sabi nga nila. (Whoa. Ano daw?). Patawad kung hindi kita naipaglaban pati na rin ang pagmamahal ko, pero tandaan mo to: Kung sakaling bumalik ka ay tatanggapin pa rin kita ng buong buo. Oo, may nagmarka na saking masamang ala-ala, hindi naman sapat yun para mawala na ng tuluyan ang pagmamahal. At handa rin kitang patawarin sa mga nagawa mo. Hayz, tama na nga muna ito masyadong emotero at nagiging OA na ko. “ :’("
-Panghihinayang, AMD's blog

0 Reaction(s) :: of Regret